Chapter 1

1601 Words
LIGHT SILVER Pagkagising ko ng ala-singko ng umaga ay agad akong pumunta sa kusina para magluto ng aming almusal. Siniguro ko na iluto ang mga paboritong almusal ng mga kasama ko para hindi na magkaroon ng away sa pagitan nila. Isa pa, gusto ko rin na magkaroon muna ng katahimikan sa loob ng mansion dahil nakakaramdam ako ng awa kay Heaven na laging sumasaway sa aming mga kasama. Katulad ng aking nakagawian, mas ginagawa kong special ang pagkain na hinahain ko kay Heaven. She's the most special here in the mansion. She's the most important person to me and from now on, I decided to show it to her clearly. Habang naghihiwa ako ng sibuyas ay may nakita akong maliit na papel na kulay silver katabi ng isang kutsilyo na ngayon ko lang nakita. Nakaramdam ako ng kaba pagkakita ko ng papel kaya kinuha ko ito agad at binasa ang nakasulat dito. Light, do not lost your glimpse. You are their only savior. -Heaven Nabitawan ko ang hawak kong papel pagkatapos kong mabasa ang nakasulat doon. Pagkatapos ay tumakbo na agad ako sa kuwarto ni Heaven kung tama ang nasa isip ko. Hindi maaari. . . CLOUD BLACK Pagkamulat pa lang ng mata ko ay kinuha ko na agad ang isang folder na nakalagay sa lamesa. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Tiyak na may bago na namang ipapagawa sa 'kin si Heaven tungkol sa legal management ng mansion. Tss. Napairap ako dahil sa naisip at muling bumuntong hininga ng malalim. Kung wala lang akong ibang dahilan kung bakit ko sinusunod ang babaeng 'yon ay matagal na kong umalis ng mansion. Nagpalumbaba ako at sumimangot nang muling bumalik sa aking alaala ang mukha ni Heaven. I still don't know why I falls in love with her, anyway. . . Tumayo ako at lumabas ng aking kuwarto para magtungo sa kuwarto kung saan nakalagay ang lahat ng mga files tungkol sa mansion. Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang may makita akong isang itim na papel na nakapatong sa isang ballpen na hindi familiar sa 'kin. Ano na naman kaya ang kalokohang hinanda ng Heaven na 'yon? Kinuha ko ang itim na papel at binasa ang nakasulat doon. Cloud, It's time to get bounded by others. It's your only choice. -Heaven Mas lalong nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa nabasa. Mas mauunawaan ko siguro ang nangyayari kung pupunta ako mismo sa kuwarto ni Heaven. SKY BLUE Napahawak na ko sa tiyan ko habang tumatawa dahil sa pinapanood kong movie. Nakaabot na nga ko sa season 7 dahil sa kakanood. Inabot na rin ako ng umaga sa kakanood. Tumigil ako sa pagtawa dahil hindi ko na yata kaya tumawa ng mas matagal pa. Nauubos na ang lakas ko. Hinawakan ko ang aking pisngi dahil hindi mawala ang ngiti sa aking labi. "Kung nandito lang sana si Heaven ay mas mapapasaya ko pa siya." Tumayo ako at napagpasiyahan na magtungo sa clinic ng mansion dahil may naisip akong magandang gawin. Habang naglalakad ako sa hallway ay hindi ko mapigilang matuwa habang hawak-hawak ang aking bibig. Baka kasi may makakita sa aking ngumingiti ng malapad. Pagkapasok ko sa clinic ay hinanap ko kaagad ang medical books ko. I am medical doctor, but is it wrong to make my own medicine that will drives Heaven into thinking that she loves me? Hihi. Sa kakahanap ko nang medical books ko sa lamesa ng clinic ay may iba kong nakita. Isang asul na papel at nakalagay pa ang pangalan ni Heaven sa ibaba kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko. Katabi nito ang isang injection na hindi ordinaryo para sa 'kin, pero mas pinagtuunan ko ng pansin ang papel. Kinuha ko ito at binasa. Sky, manage all your properties and influence them by showing your colorful side. -Heaven Nawala ang ngiti sa labi ko nang mabasa ko ang nakasulat sa papel. Sa kakaisip ko tungkol sa sulat ay hindi ko namalayang dinala na ko ng aking paa sa direksiyon ng kuwarto ni Heaven. STORM BROWN Tumingin ako sa kaliwa at sa kanan habang nakatingin sa isang malaking salamin. Pagkatapos ng ilang minuto ay isang malawak na ngiti ang sumilay sa akin. "Bakit kaya nasalo ko ang lahat ng ka-guwapuhan sa mundo?" Natawa ako bigla sa nasabi ko. Well, there's still some handsome guy around, but their handsomeness can't still compare to my face. I sat to my bed while holding my chin and thinking deeply. That Heaven Scarlet. . . Why still, she can't fall in love with me? She can own the most handsome guy on earth, if only she did. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Lumabas ako ng kuwarto at pupunta sana sa kuwarto ni Heaven, pero natigilan ako nang may maapakan akong lapis sa tapat ng pintuan ng aking kuwarto, pero ang uri ng lapis ay parang hindi ko pa nakita sa buong buhay ko. Pinulot ko ito kasama ang isang papel na kulay brown. Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang makita ang pangalan ni Heaven sa papel, pero agad din sumilay ang ngiti sa aking labi. "Aamin na kaya si Heaven tungkol sa nararamdaman niya sa 'kin." Binasa ko ang nakasulat s papel. Storm, do not hurt your comrades with your turbulence. Use it to your enemy. -Heaven Napaisip ako bigla sa nakita ko. May balak na naman kayang gawin si Heaven? RAIN WHITE Napangiti ako habang nakatingin sa ginawa kong portait arts ni Ms Heaven. Konting guhit na lang at matatapos ko na ang ginagawa ko. Tumayo ako para kunin ang isang round brush, pero nakakailang hakbang pa lang ako ay nadapa na agad ko dahil naapakan ko ang sarili kong paa. Nakagat ko na lang ang aking ibabang labi habang tumatayo mula sa pagkakadapa. Pinigilan kong umiyak kahit na nagbabadya na naman ang aking luha na tumulo. Huminga ako ng malalim at tatayo na sana, pero nahagip ang mata ko sa ilalim ng painting materials ko. Kinuha ko ito at tinitigan ng maigi. "Bond paper at isang button?" Inilibot ko ang aking paningin sa paligid bago ibinalik ang paningin ko sa aking hawak-hawak. "Kailan kaya pumasok si Ms Heaven dito?" Kinakausap ko ang aking sarili habang binabasa ang nakasulat sa papel. Rain, do not affect your comrades with your fierce water. Shower them with positivity. -Heaven Tumakbo ako patungo sa pintuan pagkatapos kong mabasa ang nakasulat sa papel. Muntikan pa kong matalisod ulit, pero buti na lang ay naibalanse ko ang sarili ko. "Ms Heaven, anong ibigsabihin nito?" DARK GOLD I take a sip of black coffee while typing on my laptop every minute. I already tried to get access from CIA sites, but I guess I'm still not good enough. A sighed deeply as I stared blankly at my laptop. How can I confess if I can't even do Heaven's order? I stand up and search my floppy disk around my room, but it is nowhere to be seen. Where is it? Instead of a floppy disk, I find something strange seating below my bed. It's two gloves and a golden paper. I took the gold paper first when I saw Heaven's name from it. There's a message written from it, so I immediately read it. Dark, seek light for you to always stand the truth and right. -Heaven Is this another for us? I sighed deeply before decided to go to Heaven's room as I still have my expressionless face. THUNDER GRAY Nakahiga ako sa aking kama suot ang bathrobe habang hawak ang isang rosas at pocket pistol. Inaamoy ko pa ang rosas habang nakangiti ng malapad. "My butterfly, when are you going to notice my feelings for you. I'm getting impatience for waiting." Umupo ako nang may maisip akong magandang gawin. Kung pumunta kaya ako ngayon sa kuwarto ng paru-paro ko at ipakita sa kaniya ang maganda kong katawan para tuluyan na siyang mahulog sa akin? Nagtaas-baba ako ng aking ulo bilang pagsang-ayon sa aking naisip. Pupunta na lang akong training room dahil baka nagsasanay na naman ang aking paru-paro. Ayos lang 'yon para mas maging bagay kaming dalawa. Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa naisip. Pagkadating ko sa training ground ay wala akong nakita ni scarlet na buhok kaya agad akong napasimangot. Naglakad na lamang ako sa direksiyon ng baril na nakita ko katabi ang isang gray na papel. Thunder, do not strike your strength to the wrong direction because that will kill you too. -Heaven Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka, pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi. "Is this a confession from my butterfly? I should really go to my butterfly now." MIST DANDELION Nakatingin ako sa aking bintana habang pinagmamasdan ang mga nagliliparang ibon at paru-paro sa labas. Kanino ko pa inuutusan ang sarili ko na kumilis, pero hindi nasunod sa akin ang katawan ko. Kung hindi kaya naiiba ang pagkatao ko, maaari kayang maging masaya rin ako? Natigil ang pagkakatulala ko nang marinig ang boses ng aking mga kasama mula sa malayo. Tiyak na nasa kuwarto sila ni Heaven Scarlet ngayon. Tumayo ako at napagpasiyahan na magtungo sa kuwarto ni Heaven Scarlet. Habang naglalakad ako ay hindi ko namalayan na nakahawak na pala ko sa aking labi. Bumalik sa aking alaala ang paglalapat ng labi namin ni Heaven Scarlet. She's hot. . . She's alive. . . Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto ni Heaven Scarlet ay nagkakagulo ang pitong tao kong kasama, pero hindi ko alam kung bakit. Naglakad na lang ako patungo sa isang yellow paper na nakita ko at binasa ang nakasulat doon. She left. . . She's gone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD