GABRIEL “MAHAL na mahal kita, Arabella,” sabi ko sa kaniya nang itigil ko sandali ang paghahalikan namin bago pa man kami tuluyang kapusin ng hangin. “Mahal na mahal din kita, Gabriel.” Napangiti ako sa naging sagot na naman niya. Pero naaliw ako na biruin siya. “Hindi ko narinig, eh. Ano nga uli ang sab imo?” Tinaasan niya ako ng kilay dahil nahalata niya siguro na pinagti-trip-an ko lang siya. Pero sumagot naman siya. “Ang sabi, love din kita,” malakas na sabi na niya. “Rinig mo na?” “Dinig na dinig na po, aking mahal na anghel.” Kinindatan ko siya bago hinalikan. Napangiti na ring muli si Arabella. She wrapped her arm around my nape. Ako naman ay panaka-nakang hinahalikan siya sa kaniyang mga labi. Walang ibang namamagitan sa amin ngayon kundi purong pagmamahal. And it feels so

