Nakatitig ako sa female lead na nasa harapan ko. "P0ta!! Ang ganda niya." Bigla kong nasabi at kinabigla ni Seven na nasa kanan ko.
Buti di narinig ng teacher at kaklase namin baka ma-guidance ako. 26 years ay di ko naranasan pumasok sa guidance office kaya di ko alam anong nasa loob ng guidance office.
"Did you just say, 'P0ta!! Ang ganda niya'?" Tanong ni Seven.
"Ah? Wala naman akong sinabi ah?" Pagmamangan ko.
"Really?" Aniya. "Diba narinig mo rin ang sinabi niya, Dyan?" Tanong niya sa katabi niya na si Ardyan.
"Yeah, narinig kong sinabihan niya ako ng pogi." Sagot ni Dyan at parang nakasulat sa mga mukha ni Seven na pinagsisihan niya magtanong kay Ardyan.
"Pareho kayong baliw. Wala nga akong sinabi." Pagsisinungalin ko.
"Sige sabi mo eh." Sabi ni Seven na kunwaring naniniwala.
"Oo nga naman kahit wala kang sinabi eh pogi ako." Sabi ni Ardyan na nakangiti. "Na nosebleed ka nga dahil sa ka-pogian ko." Dagdag niya.
Na nosebleed ako dahil sa kagandahan ng female lead na si Marisole, hindi sayo ugok!
"Tumahimik na nga kayo baka pagalitan tayo ng guro." Sabi ko.
"Tssk. B*tch." Rinig kong bulong ng katabi ko.
Nakalimutan ko nakatabi ko ang kontrabida tapos nakipagusap ako sa dalawang member ng TFA Boys.
P0ta! Kakanta na ba ako ng "If I die young"? O kaya suggest kayo ng magandang kanta para sa libing ko.
Nang mag recess na ay bigla ako kinuhit ng katabi ko na si Clara Garcia, ang kontrabida sa kwentong "Breathing in the two worlds."
"Hoy, panget! Bilhin mo ako ng sandwich sa canteen at saka isang yacult." Utos niya at tinignan ko lang ang fifty pesos na inaabot niya sa akin.
Lah pwede ko yan pangbili ng dalawang korneto.
"Ako?" Turo ko sa sarili ko.
"Oo! Sino pa ba naman ang panget dito?" Sabi niya at tumawa naman ang mga alipores niya.
Mukha mo panget!
"Ikaw." Agad ko tinakip ang bibig ko at binawi niya ang pagabot sa akin ng pera. "I mean paano mong nasabing panget ako?" Tanong ko sa kanya.
"Dahil mas maganda ako sayo at saka dami mong pimples noh di ka nandidiri sa mukha mo, panget?" Pagmamayabang niya.
Ang bata bata ganyan ang lumalabas sa bibig niya.
*A/N: Remember na 26 years old siya sa previous niyang life kaya feeling niya diyan ay 26 years old pa rin siya kahit 14 pa.
"Hindi, bakit naman akong mandidiri? Ikaw ba di ka ba nandidiri sa mga lumalabas sa bibig mo? Mas madumi pa kaya yan kaysa sa mukha ko na puno ng pimples eh." Sabi ko at may narinig akong nag 'ohhh' sa sinabi ko.
"Tsk." Singhal niya. "Kahit na. Mas maganda pa rin ako sayo. Kaya wag mong isipin na maganda ka at mas malinis sa akin dahil sobrang pangit mo."
I laughed sarcastically, "Seriously, child? If I am ugly, then why didn't you ignore me? For example, a slice of bread. You will ignore the first slice of it because it's ugly." I said. "Kung di mo gets, ibang halimbawa nalang. For example, nasa shopping mall ka, and you saw an ugly dress, would you try it or ignore it?"
She didn't respond.
"Of course, you would ignore it rather," I said. "Then, tell me, why do you think I'm ugly? Or you are... Jealous to me?" I smirked.
Oops, mic drop!
Inis niya akong tinignan at umalis kasama ang mga alipores niya.
Lumapit sa akin si Kendric, "I didn't expect you to talk like that. I thought you would be an errand girl again." Kendric said and patted my head.
Ramdam ko ang mga talim ng tingin nila sa akin. "Do you want me to die? Stay 1 meter away from me." Sabi ko sa kanya. "Pero mas mabuting 1 centimeter nalang." Bulong ko na nakatingin sa gilid at hinarap siya.
Gusto kong lumapit sayo ng 1 centimeter pero maraming nakapaligid at ayaw ko pang mamatay kasi kamamatay ko pa.
"What?" Nakakunot niyang tanong.
"Wala basta atras ka na kung gusto mo makita na buo pa ang katawan ko at mukha." Sabi ko sa kanya at tumawa ito ng mahina.
Bago siya magsalita ay tumingin muna siya sa mga paligid, "Oh, I see." Aniya.
Sumunod siya sa TFA Boys na paalis na papunta sa canteen. Tumingin ako sa female lead na malalim ang iniisip dahil yata nagtataka siya sa nangyayari kasi nasa ibang mundo siya. Pareho kami ng sitwasyon ng female lead na reincarnation pero ganyan pa rin ang identity niya at ang katawan niya ay nasa mundong kanyang tinitirahan di tulad sa akin na abo na.
Pumunta ako sa harap ni Marisole, "Hello, ako pala si Tallie." Bati ko sa kanya. "Saan ang kasama mo?" Tanong ko sa kanya.
"Huh? A-ah nasa cafetaria." Sagot niya. "Hello, ako si M-Marisole Sevilla."
"Can I call you Sole?" I asked with a smile on my face.
"Ah okay." Sagot niya.
Ba't sobrang awkward ng atmosphere?
"Parang may malaking problema ah? Mukha kasing pinagsakulban ng langit at lupa eh." Sabi ko.
"Ah, wala toh. Inisip ko lang paano nakuha ang ano ng x nung sa math time." Tumawa siya ng pilit.
"Pwede tayo maging friends? Wala pa kasi akong friends dito eh." Aniko.
"Kala ko close mo yung TFA Boys yata yun?" Tanong niya.
"Hindi noh. Imposibleng ma-close ko yung apat na yun." Pagsisinungalin ko. "Wala kang plano magsnack?" Tanong ko sa kanya.
"A-ah kasi wala akong gana." Sagot niya.
"Kung may problema ka sabihin mo lang sa akin." Sabi ko sa kanya at bumalik sa upuan ko.
Kahit naman dlai mo sabihin sa akin ang problema mo ay may kaibigan ka parin tutulungan ka tulad nila.
...
"Sana may ganyan ako kaibigan." Sabi ko ng mabasa ko ang part ng kwento ng "Breathing in two worlds" na naniwala sila sa female lead na si Marisole.
Kahit imposible ang sinabi ni Marisole tungkol sa totoong nangyari sa kanya ay naniwala pa rin sila.
Lahat sila ay ayaw nilang masira ang pagkakaibigan nila at lahat sila ay pinapahalagaan si Marisole.
Nakatingin ako sa langit na may maraming bituin, "Sana may taong hahalaga sa akin." Hiling ko.
I want to feel how to be valuable to someone.
Napatingin ako sa shooting star na dumaan. "Ang ganda. Sana matupad ang hiling ko." Sabi ko sa sarili ko.
Isinara ko na ang libro at bintana. Ibinalik ko sa lalagyan ang libro at inayos ang higaan ko bago ako matulog.
At lahat sila ay may gusto kay Marisole.
Ano kaya ang feeling na may gusto sayo ang tao o may maraming taong may gusto sayo? Maganda ba ang feeling? Or Hindi?
Bago ko isara ang mga mata ko ay nagdasal muna ako.
Sana maranasan ko ang may taong papahalagaan ako at mamahalin ng sobra pa sa sobra.
"Reading Your Meraki Life"
BY: YOUR_SECRET_LADY