Khloie's P.O.V. "Hoy. Bakit mukhang inis na inis ka diyan?" tanong sa akin ni Joyce. Nandito kaming dalawa ngayon sa bahay nila. Wala kasi ang parents niya. Saka parang bonding na rin namin. Medyo nawalan na kami ng time sa isa't isa. Lalo na at may boyfriend na kami. "May nag tetext kasi sa akin," sabi ko at uminom ng juice. Sumubo na rin ang nga kaunti sa cake na nakalagay sa platito. "Ayaw mo no'n may ka text mate ka," saad niya at tumawa ng malakas. Baliw talaga. Sinapak ko siya ng mahina. "Baliw ka talaga," natatawang saad ko. Tumingin siya sa akin. "Mana sa'yo," tapos ay tumawa nanaman siya. Nakasumpong na naman po siya. "Pero bakit mo pinoproblema kung may nag tetext sa'yo?" seryoso niyang tanong. "Ayaw kasing magpakilala ng nag tetext. Dagdag pa sa mga iniisip ko," nakabusan

