Chapter 4: That suplado

1191 Words
Khloie's P.O.V. Pagkatapos naming maligo ay siya pa mismo ang nagbihia sa akin. Pinasuot niya sa akin ang puti niyang t shirt na hanggang tuod ko na at boxer.  Iniwan niya muna ako sa kanyang kwarto para raw makapagluto muna siya. Pinapahinga niya muna ako rito dahil sobrang pagod ako. Ewan ko ba sa kanya at tila hindi siya napapagod. Ilang minuto lang ay bumukas na ang pintun. Pumasok siya habang may dala dalang tray. Ipinatong niya iyon sa bed table na nasa harapan ko na ngayon. Marami ang pagkain doon. Merong pancake na may syrup at strawberry sa itaas. May fried rice at iilang png mga pritong ulam. Kasama rin ang gatas. "Kain na tayo," masayang sambit ko at inabot sa kanya ang kutasara at tinidor. Sinimulan ko ang pancake at kumuha ng kaunti rito. "Marunong ka palang magluto?" tanong ko dahil naapasarap niyon. Isinunod ko pa ang iabng pagkain at talagang napakasarap nga. "Yeah. I need to learn how to cook lalo na at ako lang mag isa rito," sagot niya. Kumakain din siya habang nakatutok pa rin sa akin ang kanyang paningin. Napapatawa siya ng mahina kapag nakikita niya ang reaksyon ko. "Ang sarap talaga. Kahit masungit ka ay marunong ka," saad ko. Napakunot ang kanyang noo. "What's the connection?" uminom siya ng tubig. "Hindi rin ako masungit ganito lang talaga ako. Napa react naman talaga ako ng bongga roon. "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko at tinawanan siya. Masama lamang ang tingin na ipinukol niya sa akin. Tumigil na ako at baka mapikon ko pa siya pagkatapos ay sakalin pa niya ako. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain dahil masarap naman talaga iyon kamukha niya... What the f, Khloie? Napapiling ako iwinasiwas iyon sa aking isipan. "Is there any problem?" he asked. Mabilis naman akong pumiling. "Nothing." sagot ko. 'Yan kasi, Khloie. Kahit ano ano ay iniisip. Pagkatapos noon ay nagpaalam muna ako sa kaniya kung pwede ko munang labhang ang mga damit ko kagabi para may maisuot ako mamayang uuwi ako. Habang hinihintay na matuyo iyon ay nagtambay muna kami sa kaniyang sala at nanood ng iilang palabas sa kanyang flat screen television. Nakasandal ako sa kanya at nakaakbay siya sa akin habang nanonood kami. Hinatid na ako pauwi kanina ni Sceven sa amin. Kasi may pasok pa kami bukas. Akalain niyo 'yun naka-ilan pa kami kaya naman tuloy gabi na ng maihatid niya ako. Nandito ako ngayon sa banyo. Katatapos ko lang maligo kaya wala akong saplot at nakaharap sa body size mirror. Pinagmamasdan ko ang aking katawan. May mga marka pa rin ako sa leeg at sa bandang dibdib. Well, Hindi naman ako nagsisisi sa nangyari sa amin ni Sceven. Because I should be thankful at pinadama niya sa akin ang ganoong sensasyon. He made my night so hot and complete. That night is so memorable that I will never forget. Kay siguro siya talaga ang gusto kong kumuha ng V card ko. Nagbihis na ako ng pantulog  at pumunta na sa kama ko. Ibinagsak ko ang katawan ko roon at wala pa mang ilang minuto ay tuluyan ng umikit ang aking mga mata. Pagod na pagod ako. Pinagod kasi ako ni Sceven eh. "Goodnight, Sceven." I said before I close my eyes. I enter the dream land. --- "Sceven, stop!" pabulong na sigaw ko sa kanya. Paano ba naman kasi kasalukuyan kaming nagkaklase at hinahaplos niya ang binti ko. Hindi naman sa ayaw ko pero ayaw ko nga dahil gusto ko lang siyang pigilan at baka mahalikan ko pa siya rito. Saka isa pa nakakahiya kapag may makaita sa amin and worst ay mabantay kami ng nagtuturo. "Tch, sungit," supladong sabi niya. Ako pa tuloy ang nabansagang masungit ngayon. "Baka ikaw," balik ko sa kaniya habang nakatingin pa rin sa harapan para hindi kami mahalata na nag-uusap dito. "Oo nalang," masungit niyang sambit. Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay hindi na siya ulit nagsalita. I focus on the lesson at hindi na ako bumaling sa kaniya. Nagpaalam na ako sa kanya na aalis na kami Joyce ang kaso ay hindi niya ako inausap kaya umalis nalang ako. Lumabas na kami ng room ni Joyce para pumunta sa cafeteria gutom na kasi kaming dalawa. Alam na matakaw kaming parehas. "Ano 'yan?" tanong niya sabay turo sa leeg ko. "Huh?" "Huh daw, huwag ka ngang magmaang-maangan diyan, Khloie. Kanino mo galing ang love bite na 'yan?" nakapameywang niyang tanong. "Sceven," sagot ko na wala sa sarili dahil iniisip ko ung galit ba siya sa akin dahil nagsungit ako kanina o hindi. Nanlaki ang kanyang mga mata. "Kay Sceven?" sigaw niya. Nanlaki rin ang mga mata ko at nagapkap ng pwedeng maging palusot sa sinagot ko. "Sceven? Hindi ah nakita ko lang siya kaya nasabi ko 'yung pangalan niya," pagsisinungaling ko sa kaniya na sana ay kagatin niya. "Oo na. Pero kanino nga galing 'yang love bite mo?" tanong niya ulit. Makulit talaga siya at hindi ka niya titigilan hanggat hindi mo nasasagot ang mga tanong niya. "Anong love bite? Kagat lang 'yan ng lamok, Bes," palusot ko pa rin at kinagat ang burger na hawak hawak ko. "Aysus! Palusot dot com. Hindi ako tanga para maniwalang kagat lang 'yan ng lamok 'no. Umamin ka na kasi kanino nga galing 'yan?" sambit niya at tinampa ako ng mahina sa balikat. "Can we not talk about it?" tanong ko. "'Diba gutom kana? Ayan oh kumain ka pa," sabi ko at isinubo sa kanya ang ilang piraso ng fries. "Tse! Nililigaw mo lang ang usapan. Pero okay lang kung hindi ka pa ready na sabihin kung sino 'yang kumagat sa'yo pero tandahan mo bestfriend mo ako at kailangan mo rin sabihin 'yan sa akin," parang nanay niyang bawal sa akin. "I love you, Bes," sabi ko at niyakap nalang siya. Niyakap niya ako pabalik. "Oh siya kumain na tayo at tama na muna ang drama," sabi niya nilaklak ang pagkain niya. Ang takaw talaga ng bestfriend ko! Kamukha ko. --- "Hoy! Kausapin mo naman ako," sabi ko at niyakap siya. Sino? E'di si Sceven "suplado" Abellano. "Tch, tigilan mo nga ako," tila naiiritang sabi niya sa akin. "Bakit ba ayaw mo akong kausapin?" tanong ko sa kanya. "Kinakausap na nga kita oh," sabi niya at tinanggal ang pagkakayakap ko sa kaniya."Bitawan mo ako at baka ay makakita pa sa atin na ayaw mong mangyari." "Okay. Kung ayaw mo e'di huwag na lang," sabi ko at umalis na harapan niya. Asar talo pa naman ako. Naglakad na ako papuntang parking. "Khloie!" dinig kong sigaw ng isang lalaki. "Jace!" sabi ko at ngumiti sa kaniya. Buti nalang talaga ay mga mga taong palangiti. Inakbayan niya ako. "Tagal nating 'di nagkita," nakangiting saad niya. Tumawa ako ng mahina. "Kahapon lang tayo hindi nagkita 'no," natatawang sambit ko sa kaniya. "Na-miss kita eh," saad niya at ngumuso. Kinurot ko ang magkabilang pisngi niya. "Ang cute mo. May kamukha ka sa mga kaklase natin." Gumanti siya at ang ilong ko naman ang kinurot niya ."Cute ka rin naman. Pero sino naman ang kamukha ko?" tanong niya. Nag-isp muna ako sandali bago sumagot. "Si Anya," sagot ko. Nakikita ko talaga ng resemblance nilang dalawa. Nakita ko naman ang pagkapula niya at nasamid na kaunti kahit wala namang iniinom. Nag-uusap kami ng may isang lalaking na ang lakas magsara ng pintuan ng kaniyang  kotse. "Ang suplado talaga ng Sceven na 'yan," naiinis na sabi ko habang nakatingin sa papaalis na sasakyan niya. "Masanay kana diyan. Pero mabait naman 'yan," sabi ni Jace. Oo Jace mabait nga 'yan pero madalas naka sumpong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD