Khloie's P.O.V. Marami na ang lumipas na mga araw. Hindi naman naging sagabal sa amin ni Sceven ang tungkol sa babaeng nanakit sa kaniya. Dati pa iyon at sana ay manali nalang ito talaga sa past at hindi na makikisasaw pa sa present. Hanggang ngayon ay nililigawan niya pa rin ako. Pinagkakatiwalaan ko naman siya ngunit gusto ko pang makita ang mga effort niya para sa akin. Hindi siya pumalya sa puno ng supresa kada araw. Kung ano ano ang mga ginagawa niya para mapasaya ako. Kumatik si Mang sa aking pintuan. "Khloie, nandyaan na ang sundo mo at hinihintay ka," saad nito. Kinuha ko ang bag ko na asa kama pagkatapos ay inilagay na iyon sa aking kamay. Bago lumabas ay tumitig pa ako sa salamin para tignan ang aking sarili. "Nandy'an na po, Manang," sagot ko at binuksan na ang pintuan. Nag

