Ito ang tamang oras para puntahan ang babaeng 'yon. Sisiguraduhin niyang sa kamay niya muna babagsak ang babae bago sa iba. Oras na matapos niya ang misyon, sa Iloilo muna siya pansamantalang magbabakasyon kasama ang asawa. Matagal na panahon nang hindi siya nakauwi at nadalaw ang puntod ng nakagisnang magulang sa San Isidro. Pagbibigyan niya ang asawa sa hinihiling nito sa kanya. Hindi niya pala matiis ang babae kaya binalikan niya ito at hinanap nang pababain niya ito pagkatapos ang mainit na pagtatalo nila. His wife is special, he knows. Ramdam niya sa puso niya na may espasyo na ito sa buhay niya kaya hindi niya ito mabitawan. Kahit nagagalit siya, he still wanted her to stay. Hindi niya alam pero makikisakay na muna sa agos na gusto nito; ang tumira sa probinsya nang simple, 'yong wa

