Hilam na hilam sa luha ang asawa niya nang balingan niya ito pero siya, hindi niya maarok kung ano ang nasa loob niya pero isang lang ang nasisiguro niya--magbabayad ang sinumang pumatay sa lolo niya. Naghilom na ang sugat ng asawa pati ang pasang natamo nito pero siya, hinding-hindi maghihilom ang sugat na nasa loob niya. Pinagpapasalamat pa rin niya na hindi ito napuruhan nang maaksidente ang sinasakyan nito. "K-Kemp," hinaplos ng babae ang braso ng asawa. "Ilang araw nang hindi maayos ang kain mo, 'wag m-mo namang p-pabayaan ang sarili mo." "Leave me alone," mapait siyang ngumiti sa babae. Nakuha na rin ng mga kapulisan ang salaysay ng asawa niya, sa totoong nangyari ng araw na iyon. Lumipas ang dalawang linggo na hindi makita kung nasaaan ang matandang Romualdo hanggang makarating s

