Gusto niyang pagsusuntukin ang mga tao niya sa nangyaring ito pero mabilis siyang pinigilan ng ilan lalo na si Felix. "Naku, boss, baka nakatakas na naman ang babaeng iyon. Ang bilis talaga ng radar nun!" Hawak ni Felix sa balikat ang kaibigan habang hawak naman ng isa pang tao ang kabila para pigilin ito sa pagwawala. "This can't be, Felix. P*t*ng**na..." "Kalma, boss. No choice kaya babalik na tayo ro'n sa eroplano pabalik ng Maynila." Galit niyang binaklas ang pagkakahawak ng mga ito. Marahas siyang huminga at hinilot ang sentido. Sobra niyang pinag-isipan at pinlano ito pero wala na naman. Bulilyaso na naman! Bakit lagi na lang? Sinipa niya ang gulong ng sasakyan nang paulit-ulit nang wala siyang mapagbuntunan ng galit niya. Ihahatid na sila ng mga van pabalik sa property ng isang

