Pagkatapos ng dalawang araw na pamamalagi sa ospital, nailabas na rin siya. Sobra ang saya niya dahil kapiling niya ang lolo at kambal niya. Nakatulong ang mga ito para hindi niya isipin ang naiwan na asawa. Ang mga anak niya, parang mga anghel sa paningin niya, nagdudulot ito ng sobrang saya sa kanya. Nagdagdag ng isa pang nurse ang matanda para sa anak niyang kambal. Sobra rin ang pagkagimbal niya nang ipatawag ng matanda ang lahat ng tauhan sa araw na iyon nang in-ambush sila. Buhay na buhay ang mga ito sa harap niya pati ang personal nurse ng kanyang lolo. Magkaharap sila ng matanda ngayon sa mismong balkonahe ng bahay kung saan sila nagbabakasyon. "Alam kong labis ang pagtataka mo pero napakalungkot lang dahil ang isa sa mga tauhan ko, 'yon ang nasawi. Nagbigay na'ko ng tulong sa pa

