Chapter 15: Crush

1836 Words

LARA Nakakainis talaga! Bukod sa galunggong lang ang nabili ko ay nadulas pa ako sa totoong laman ng puso ko. Bakit pa kasi ako nahikayat ni Sir Jeremy na magmiryenda? At bakit pa kasi sumulpot ang lalaking ito? ‘Yan tuloy, nabuking ako. Pasimple akong sumulyap sa kanya. Tahimik siyang nakatitig sa daan habang nagmamaneho. Kumikislap ang bughaw niyang mga mata kapag nasisinagan siya ng liwanag ng araw. Kinurot ko ang tyan ko. “Lara! Tigilan mo ‘yan! Huwag mong titigan at lalo ka lang mabubuking! Saan ba kasi ipinaglihi itong lalaking ito at sobrang guwapo niya sa paningin ko?” Sigaw ng puso ko. “Ma’am?” Nagulat ako. Bigla akong naibalik sa reyalidad. “Manong?” Sagot ko. “P-Puwede bang magtanong?” “Okay…” Kinamot niya ang gilid ng noo niya at lumingon sa akin. Nang mapansin niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD