“OMG!” Hindi makapaniwala si Therese. Syempre, bilang isa sa mga nangungunang supporter ng kwento nila Nika at Troy, the couple made it a point to inform Therese, second to their parents of the good news. "Ayyy! Kinikilig ako! Inaasahan ko naman 'to, ano. Pero hindi ko inexpect na ganito kabilis!" Niyakap-yakap pa siya ng kaibigan. Wala noon si Troy kasi sinundo nito sina Jeric at Melissa. He said they're going to have a little celebration and the two being supportive of them too, deserved to celebrate with them. "Bibig mo, hanggang ngayon ganyan pa rin ka-eksaherada!" Natatawa niyang saway. "Wala namang nakaririnig na iba! Basta, Niks, I am so happy for you and Troy. Bilisan n'yo pa sana. Magpakasal na kayo agad. Tapos mag-anak, tigda-dalawa rin agad!" "Kung pwede lang eh!" Aniya

