"Where are you going?" Napahinto si Nika sa paglabas ng gate nang marinig si Troy. Paglingon niya ay nakita niya itong nakatayo sa gilid ng kotse nitong mukhang bago. Maayos ang bihis ni Troy and was looking good in his sky blue long sleeves and black slacks. Simple lang pero neat and respectable. Papasok siguro ito sa opisina? "Oh, kina Therese," nakangiting sagot niya. "Looking good, huh? May pasok ka?" She complimented and asked at the same time while trying hard to sound casual. Sa totoo lang, seeing him on his feet again makes her want to cry. Naaalala niya noong naka-wheelchair pa ito dahil sa kagag*han niya. Wala siyang pangarap at dasal noon kundi makita itong nakatayo ulit. At heto na ito ngayon, parang wala ng bakas ng aksidenteng muntik nang kumitil sa buhay nito noon.

