Nakita ni Li Xiaolong ang sarili niyang nasa isang masukal na espasyo ng kagubatan. Hindi niya aakalaing maliligaw siya nang subukan niyang lumabas sa nakakalitong lugar na ito. Never in his entire life expecting that this place is a wide place to venture. Alam niyang nagtataka rin ang lahat patungkol sa paglitaw lamang ng kagubatang ni minsan ay hindi nakasaad sa mapa ng lugar na ito. Ngayon ay nakatingin siya sa isang malaking lugar na nakita niyang nakatirik sa gitna ng kagubatan. Kapansin-pansin na kakaiba ito lalo na at walang sinuman ang magbabalak na magtayo ng estraktura sa nasabing lugar na ito liban na lamang kung isa itong tirahan ng malakaas na mga nilalang o grupo ng mga indibidwal. Isa sa napansin niya ay ang pagala-galang iilang mga nilalang na hindi niya mawari kung ano

