Kahit na natatakot ang batang si Li Xiaolong sa mga oras na ito ay tinapangna niya ang loob niya lalo na at ramdam niyang isang Purple Heart Realm Expert ang cultivation level ni Lady Meifen. He didn't want to offend this old lady kahit na gusto siya nitong usisain sa bintang nito. "Hindi po ako isang espiya ng kalabang sinasabi niyo Lady Meifen. At sino naman ang kalabang tinutukoy mo?! Unang-una ay ramdam ko ang mali sa daloy ng enerhiya mo at isa pa ay may napansin akong marka sa loob ng dantian mo." Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong kay Lady Meifen. Hindi niya kailangang magsinungaling para paboran siya ng ginang na nasa harapan niya lamang. Mabilis na ipinawala ni Lady Meifen ang mga saber sa iba't-ibang parte ng katawan ni Li Xiaolong alinsunod sa narinig niyang sinasabi ni

