Maingat na inihiga ni Seb ang asawa sa ibabaw ng kama niya. Pinunasan niya ito saka pinalitan ng damit pagkatapos ay kinumutan. Nagligo siya pagkatapos ay nahiga na rin sa tabi ng asawa. Gusto niyang makatulog ngunit nanatiling gising na gising ang kanyang diwa. Nagagalit siya sa sarili dahil sa kagaguhang ginawa kanina. Hindi naman niya intensyon na ganito ang mangyari. Ang balak niya ay takutin lang si Madrigal ngunit sineryoso iyon ng lahat. Subalit hindi naman niya masisisi ang mga ito lalo na ang kanyang mga magulang dahil may past issue na nga sila ni Madrigal. Hindi naman niya naisip na aabot sa ganito ang lahat. Na malalaman ng asawa ang ginawa niya. Buong akala niya, tulog na tulog ito pero mukhang siya ang naisahan. Mukhang nahiwatigan nito na may binabalak siyang gawin kaya ang

