Nang gabi ding iyon ay bumiyahe si Seb pabalik ng Pilipinas. Pagkalapag ng eroplanong sinasakyan niya sa Ninoy Aquino International Airport, dumiretso agad siya sa ospital. Gusto niyang makausap ang senador tungkol sa kaligtasan ng dalaga. Kung tanggihan man siya nito, tatanggapin niya. Ang mahalaga, naroon siya sakaling kailanganin ng dalaga ang kanyang tulong. Habang nasa biyahe, hindi niya napigilang baliktanawin ang nangyari nang umalis siya. Hindi pa siya gaanong nakakalayo pero gusto na niyang bumalik ulit sa mansyon ng mga Galindo. Parang hindi niya kayang umalis at basta na iwan ang dalaga. Sa bawat araw kasi na nagdaan, nasanay na siyang nasa tabi nito at palagi niyang nakikita kung gaano ito kabuti hindi lang sa kanya kundi maging sa lahat. He was used to her sweetness and joll

