"What are you even talking about, Tony? Sakin siya sasabay" Hindi na alam ng mata ko kung saan lilingon sa salit-salitan nilang debate. I am getting pissed off dahil sa walang sawang tigil kakaaway kung sino ang pipiliin ko. "Hep hep! Tama na!" Pumagitna na ako sa kanilang dalawa, "Sige, mag-away kayo diyan hanggang mag-umaga! Hindi ako sasabay sa inyo. Walang pipiliin. Mag si-ayos kayo! May sasakyan din ako ngayon, kaya kayo magsi-uwian na at thanks na lang sa bulaklak" inis kong sabat sa kanila at dumiretso na sa sasakyan ko at umuwi na sa condo ko. Kinaumaga, nagising na lang ako sa doorbell na naririnig ko mula pintuan ng unit ko. Kaaga-aga may istorbo! "Sandali lang" Wala sa oras, napabangon ako sa higaan ko. Sinuot ko ang tsinelas ko bago lumabas ng kwarto at buksan ang pintua

