This Undas break, nakapag-gala pa ako kasama si Syd. Pumunta sa Market Market o di kaya Vista Mall.
Sa pamamagitan ng isang linggo na undas break, naging close kami Tony. Naguusap kami umaga hanggang gabi. He actually confessed to me. He likes me. He said a lot of stuffs about me and about him. Kaya daw sila naging close ni Sydney, ay dahil sa akin. Alam ni Sydney ang tungkol sa kanila simula pa lang.
They we're pretending all of it even Citi. They actually plan all of it except for making Tony guilty.
madismith: Hoy mga b***h!!!
Nag chat ako sa group chat namin sa IG. Tama'ng tama nagplano sila na mag-market bukas, kasama pa si Tony. Hayst!!! Ang ganda nga naman. Buti na lang hindi makakasama si Ivo dahil hindi ko kaya tignan ang ka-cornihan niya kay Citi. Walang Forever!!!! Ang bitter ko amputa.
penelopesyd: Ano?
_felicitimeg: ?
Yari talaga kayo sa akin. Nagplano pa nga sila na i-bully ako. Aba gago!
madismith: sinabi na sa akin ni Tony ang lahat!
_felicitimeg: Ano yun?
madismith: ulol! Alam ko'ng alam mo!
_felicitimeg: ano nga 'yun
penelopesyd: Sabihin mo na lang kasi, para naman kasi'ng tanga e
madismith: yung kay Tony. Aba punyeta, alam niyo pala na nabubully ako. Gago kayo
_felicitimeg: Alaws ako diyan ang alam ko lang may gusto si Tony sa'yo
penelopesyd: hehehe! Ang bait ko 'no?
madismith: gagi ka!
Natawa na lang ako, sa mga paguusap namin.
penelopesyd started a video chat
_felicitimeg joined
You joined
"Hoy, paki explain putik! Nakakalito na kayo!!!!!" Bungad ko sa kanila ng sumali ako sa tawag
[okay okay!] tugon ni Syd
[Si Citi, nakilala niya lang si Tony dahil kay Ivo, while me kaibigan siya ng kakilala ko] dagdag pa nito
"I don't need that, ang kailangan ko'ng malaman bakit sinasabi mo sa kanya na tigilan niya ako dahil alam mo ang balak niya nung una namin pagkakakilala" nagugulahan na tanong ko
[His flirting, duh! Tsaka alam ko naman na nagpapanggap siya mambully para lang mapansin ka nun. Technically tinignan mo kasi siya kaya ayan nagkaroon ng lakas ng loob] sagot nito
"Ano'ng kinalaman ng pagtingin ko sa kanya?"
Duh, tagal ko na siya'ng tinitignan ngayon lang nagkaganyan? Hello, ayaw ko sa bully pero pogi, e. hihihihi
[hello, an'tagal ka na nun napapansin samatala'ng ikaw hindi mo man lang mapansin] sagot naman ni Syd
[Napansin, yuck! Kadiri! Ang panget panget ni Madi] sabat ni Citi
"Ina mo" singhal ko sa kanya
[I'm telling the truth, Madi] ani naman nito
[aruy, panget pala! Sobrang honest naman ni Citi] pakikisali ni Syd
"Isa ka pa! f**k you" sigaw ko
Wala ako'ng pakialam kung marinig ako ng nanay ko. Haller, kahit sa bahay puro murahan kami dito.
[Oo nga pala, Madi sabay na tayo papunta'ng Market bukas] pagiiba ng topic ni Citi
"'Gegege" pagpayag ko
[bgc tayo bukas!] yaya ni Syd
"Taena paglalakarin mo nanaman kami" reklamo ko
Pag pupunta kasi kami Market, expected na namin na mag-b-bgc kami. Tapos papalakarin kami nito ng sobrang layo. Nakakapagod at nakakatamad pa naman.
[wag na, movie na lang! Buti sana kung may sasakyan ka para magbgc] reklamo din ni Citi
[Edi Aura na lang. Nakakasawa na mag Market, e] ~Syd
Sus, tuwing sabado nandiyan ka sa aura!
"Sino niloko mo? Hindi ka ba nagsasawa sa aura? Lagi ka dun every week"
[alangan hindi mag simba, excuse me banal kaya ako] nag amen pa nga
Yea, may pagkabanal 'yang taong yan pero banal banalan talaga. She's into God pero nagmumura. Basta ang hirap i-explain. Sinasama nga niya ako minsan kaya alam ko na proseso duon.
[banal amputa, sige nga wag ka nga'ng magmura for the whole year] umirap pa si Citi
[makadiyos lang pero hindi talaga banal na banal] sagot naman nito
Umiling na lang ako at nakikitawa sa mga kagtarantaduhan nila.
KINABUKASAN nasa Sm Aura na kami sa tapat ng entrance. Nandito na daw si Syd. Kasama ko na si Citi.
I'm wearing a nike crop top shirt and blue jeans with a pair of white sneakers. While Citi wore a sweater na nakatuck in into her ripped jeans with belt and sneakers.
madismith: sa'n ka?
Tanong ko sa chat kay Syd.
penelopesyd: Nasa loob tapat ng starbucks
Sineen ko na lang iyun at pumasok sa loob kasama si Citi. Nakita ko na kaagad si Syd. Oh hah, nakacardigan pa ang gaga. She was wearing brown cardigan with white shirt on it and high waisted short. Naka cortez nanaman na sapatos. Aba! Naka messy bun pa siya.
"Taray, ganda outfit, ohh" bungad ni Citi
"Simple lang 'to, sis" pag tanggi naman nito
When you ask about her, sabihin ko na lang na napakakikay pero hindi maarte. Alam mo yung magaling magsuot sa sarili Tapos sabayan pa ng ganda niya tas walang kaartehan sa ipis lang.
"Oh asaan na daw si Tony?" Tanong ko
"Ayieee excited makita ang admirer niya" pang-aasar ni Syd
"Gaga, nuod na nuod na ako! Wait teka nga, libre mo ba?" Tanong ko naman dito
"Aba KKB tayo, 'no kala mo?" Sabat naman ni Citi
"Lah, 500 lang dala ko!" Reklamo ko
"Okay lang yan! Libre ka naman ni Tony" sambit ni Syd
"Ulol!" Binatukan ko pa
"Diba ang ulol 'yung tagalog ng head?" Pagbibiro ni Syd
Ito nanaman tayo sa lame jokes niya!
Napaface palm na lang ako.
Nakakasawa na
"Ulo yun! Ulo!" Pag uulit pa ni Citi habang ang muka niya na-we-weirdo na sa babae'ng 'to.
"Ay ulo ba yun?" Tumawa pa nga
Umakyat kami papuntang 4th Floor para mag cine. Anduon na daw si Tony at nakapila na para bumili ng tickets.
Nang makaakyat kami umupo muna ang dalawa habang ako hinanap si Tony. There he was, wearing hoodie with a shade of red and pair of black jeans and Adidas Shoes.
"Tony!" Tawag ko dito at lumapit sa kanya
"Oh, asa'n sila?" Tanong nito
"Ayun oh" tinuro ko ang gawi nila Citi na busy kakapicture.
"Tanong mo kung ano gusto nila panuorin" sambit naman nito
"Syd!" Tawag ko dito
I gestured her to come here at lumapit namin ito kasama si Citi
"Ano daw gusto niyo panuorin?" Tanong ko
"Train To Busan Peninsula" sagot kaagad ng mabilisan ni Citi
"Libre mo?" Tanong naman ni Syd habang nagniningning ang mga mata niya.
"Si Madi lang" pag kumpirma nito
"Hala siya! Tandaan mo di ka makakalapit sa kanya kung di dahil sa akin" pag-angal ni Syd
"Bakit ikaw si Madi?" Tanong naman nito
"Bala ka diyan!" Umirap si Syd habang naghalungkat na sa wallet niya ng pera.
Nagabot ng 500 pesos sila'ng dalawa.
"Hoy may sukli kami diyan 30 pesos ahh. Bibili lang kami sa Gongcha ni Citi" sabi nito at hinala na si Citi
"So, sure ka libre mo talaga?" I ask nervously
"Syempre, dagdag points 'yun 'no" sabi nito habang kumindat pa
"Anong dagdag points?" Nakakalito na siya mga bes
"Sa panliligaw ko" sagot nito
I gulped. Nagloloko ba siya? Sineryoso talaga niya nang nararamdaman sa akin. Galing!
"nagpapatawa ka?" Tanong ko habang tumatawa pa
Biglang sumeryoso ang muka nito. His eyes turned black. "No, I'm serious. I want to court you. I want to express my feelings to you. I like you. So, please allow me?" He said straight forward
I bit my lowered lip to stifled a smile. I'm amused, I don't even know what to say. He really said it bluntly. Okay pa sa chat kasi parang nagbibiro lang naman siya duon pero sa personal, I seriously was shocked.
"Magsalita ka naman" ani nito habang nakatingin sa akin
"I don't know what to say" I sighed
"Just answer me" he said with her puppy eyes
Humugot muna ako ng napakalalim na hininga bago sagutin ang tanong niya "Fine, dahan dahan lang ang panliligaw. I'm not yet fully recover to Cedric" I said while grinding my teeth.
Napasuntok na lang ito sa hangin habang bumubulong ng "Yes!, s**t! Yes!"
Natawa na lang ako. Para siyang baliw. Ang dami pa naman tao.