Madami kami'ng sinakyan na rides sa MOA. Wala naman'g kj kasi lahat kami gorang gora sa mga rides.
Ngayon kumakain kami sa Buffet. Nag-ambagan pa sa cake ni Citi para sa kanya pero siyempre hindi siya kasama dun para naman 'di lugi.
"Hoy! Kayo na ba niyan?" Tanong kaagad ni Ava nang makaupo kami sa upuan
"Hindi..." sabi ko habang lumabi "pa" I mouthed to her
"Kinikilig pekpak ko" pagiimpit ng tili ni Ava
"Gaga, bibig mo ang dami'ng kumakain" binatukan ni Syd si Ava
"Paki mo! Naririnig ba nila?" Sabi nito habang tinaas pa ang kilay
"Ito si Ava ang bastos ng bibig. Siguro pag crush mo 'ko matuturn off ako sa'yo" Ivy said in sarcasm
"Eh hindi ikaw" sagot kaagad ni Ava
"Suguro nga diba" laban nito
"Hep! Tumigil na kayo! Tara na kumaha na tayo pagkain" sabi ni Syd at tumayo na
Sumunod kami at nagsimula na kumuha ng pagkain.
I was wearing white shirt and jumper dress. Pinaghandaan ko talaga birthday ni Citi 'no.
Nang makakuha ako ng pagkain sabay na kami ni Tony bumalik sa upuan. Siya pa nga may dala ng plato ko, e.
"Bullshit! Nakakainis na ang gegentleman nila. Maghahanap na talaga ako jowa" Nagtantrum pa si Syd habang umupo
Natawa na lang ako dito at umupo.
"Tatanda kang dalaga, Sydney" asik kaagad ni Ivy
"Tangina mo! Sinasabi ko sa'yo hindi ka icrucrushback ng crush mo" Agad-agaran na sabi ni Syd
"Sino? Sinong 'di crinushback?" Naririnding tanong ni Ivy
"f**k You! Walang Forever tanga kaya hindi ka talaga mamahalin nun!" Singhal kaagad ni Syd mukang naasar na nga siya, e
She seems off today. Kanina pa siya parang iba. Masaya siya pero malungkot ang mata nito at namamaga pa.
"Si Glenn, yung nag-papic sayo nung concert, bakit hindi mo landiin 'yun. Crush mo naman din" komento ko kaagad at sumubo na sa pagkain ko.
"Ayaw ko na dun. Ekis na! Tsaka wala naman na talaga'ng pag-asa! Walang Forever! Mas Gusto ko 'yung katulad sa nabasa ko sa libro, hihihi" sabi pa nito habang kinikilig
The f**k? Pati ba naman characther sa libro mag kakacrush siya dun! Baliw na si Syd
"Gaga! Wala kang mahahanap na ganun" komento ko kaagad
She just mocked me and eat. Kumain na din ako ng tahimik habang di na kinakaya ng mata ko tignan ang kalandian ni Ivo kay Citi na dedma lang dito.
"You want dessert?" Tanong kaagad ni Tony ng matapos ko ang pagkain
"Later" sabi ko at kinuha ang phone ko
I scroll through my gallery. Pinakialaman kasi nila Syd kanina. Puro tuloy picture nila tas picture namin ni Tony.
Meron pang nakaholding hands duon. s**t!!!
Ayun yung kanina inalalayan ako ni Tony sa escalator. Ang gagaling talaga nila.
Umirap na lang ako at nagsimula mag selfie mag isa.
"Ang pangit mo! Puro ka selfie diyan! Baka mabasag cellphone mo" napatingin ako kaagad kay Citi
"Inamo, Citi! Pasalamat ka birthday mo!" I glare at her before I look back at my phone.
Dahil naka-iphone 11 si Tony naisipan ko hiramin cellphone nito. Hehehe pupunuin natin storage nito.
"Peram Phone, Tony" I pout at him and please him
He just smiled and give me his phone. Pagkabukas ko laki'ng gulat ko ng makita ko ang lockscreen niya. It's my own picture. Ayun yung nag Aura kami. Kyot ko naman dito! Pagkatanda ko si Syd kumuha ng litratong 'to e. Nag papic kasi ako sa kanya ng solo na half body. Nasa roof top kami ng mall nito at nakasandal ako sa railing nito at nakatingin sa camera at nagpacute pa duon.
"Hoy! Saan mo nakuha 'to?" Tanong ko kaagad dito at pinakita ang cellphone nito na wallpaper niya
"Sydney send it to me" he said casually and just shrugged.
"s**t ka!" Sabi ko dito at umirap
Tumawa na lang ito. Dahil may password ang cellphone nito hindi ko mabuksan kaya kailangan ko pa'ng itapat ang cellphone na 'to para mabuksan. Easy!
"Password niyan birthday mo kaya wag mo na iharap sa akin" sambit nito at sumubo nanaman ng pagkain niya
Siyempre tinype ko dahil 4 codes nga lang naman kaya tinype ko ang birthday ko na password niya; 1-0-1-6.
It turns out, bumukas ang phone niya kasi tama. Mas lalo'ng kinagulat ko wallpaper niya. Kahit natatakpan ng mga apps ang homescreen nito nakikita ko muka ko... kasama siya. Ito 'yung Concert, 'yung nagpapic siya. Amputik! Ang corny ng wallpaper! Buti pa ako favorite idol ko si Cole Sprouse! Oh my Gawd! Share ko lang
"Palitan mo wallpaper mo" sabi ko kaagad dito
Nakakahiya kaya ako wallpaper nito! Kahit na kinikiliti ako ng mga paru paru sa tiyan ko nakakihiya pano na lang kung makita 'to ng iba!
"Ba't ko naman papalitan?" Sabi pa nito at tumingin sa akin
"Nakakahiya kaya!" Sabi ko dito.
"Hindi naman, e. Ang cute mo nga dito, e. Tsaka hindi ko ikakahiya muka mo 'no" sabi pa nito habang kumindat
"Ano ba wallpaper mo, Tony?" Sabat naman ni Ava
"Muka niya tapos kaming dalawa" sagot kaagad nito halatang walang pakialam
"Ayieeee! s**t ang sweet sana all" kinilig nanaman siya!
"Tsk, mas sweet kung may forever pero wala" irap kaagad ni Syd
"Ba't ang bitter mo ngayon, girl?" Tanong ko kaagad dito
"Pano ba naman kasi, nireject siya ng crush niya'ng grade 10. Friendzone, WHAHAHAHAHA" pangaasar ni Ivy
Kaya pala kanina pa bitter! HAHAHAHA ni-reject ni kuya Aummanuel! Sanay naman ako sa kabitteran nito minsan pero mas bitter siya ngayon! HAHAHAHA kawawa naman tsaka kawawa pa.
"Hindi 'yun, pero Potangina mo! Manahimik ka!" Naiinis na sabi ni Syd at inambahan pang babatuhin ng cellphone niya
Alam ko na ang dahilan bakit malungkot 'to!
"Awww, friendzone ka ghorl?" Sabat kaagad ni Ivo
"Tangina mo, pagtatawanan talaga kita pag-nireject ka ni Citi" banas na sabi nito
Natatawa na lang ako kasi banas na talaga siya. HAHAHAHA mukang malala talaga pinagdaanan nito
"Wews, na friend zone ka lang, e" nangaasar na sabi ni Citi
Pati siya nakikismaa na din sa pangaasar
'Yung muka ni Syd parang gusto na manapak ngayon sa sobrang gigil niya HAHAHHAHA
"Ayan napapala sa madami'ng crush" komento ni Tony
"Isa ka pa! Sige makisama ka mga ulol kayo!" Singhal nito
"Heh, tumigil na kayo inis na 'yan. Wag niyo na kasi asarin na friend zone na nga, e. Kitang paiyak na, e" banat ni Ava
"Ava, diba gusto mo ng panibagong string ng gitara?" Naiinis na sabi ni Syd
"Oo, bakit libre mo? Ang bait mo talaga kaya di kita inaasar sa pagiging friend zone mo, e" sabi nito at nanlambing pa
Puta! Inaasar pa rin ahh. HAHHAHAHA natatawa na talaga ako sa muka ni Syd. Parang gusto niya nang lunurin si Ava sa mga pinagsasabi nito. Natatawa na din kaming lahat sa muka niya
"Bibili ako mamaya tapos i-susungalngal ko sa leeg po" singhal nito
"Ito naman hindi mabiro, libre mo na ako" paglalambing mi nito
"Ulol!" Sabi nito at tumayo
Mukang kukuha na siya ng dessert dahil kumuha ito ng maliit na plato sa counter. Gaga naasar na talaga 'yun! Patay kayo
Habang kami tawa lang ng tawa sa reaksyon ni Sydney. Halos mamatay na kami kakatawa dahil sa kanya.
"Tanga, kawawa naman 'yun. Sige asarin niyo pa. Kita niyo ba'ng may pinagdadaanan 'yung tao? Pinagdadaanan 'yun kagabi kaya namamaga mata nun tapos aasarin niyo pa sa nangyari nung isang araw. Bala kayo diyan pag nagalit 'yun. Tumigil na kayo kakatawa" sabi ni Citi kaagad
"Akala mo naman hindi nakisali kanina" sabi kaagad ni Tony
"Bala kayo" sabi nito
Dahil seryoso nga si Citi sa sinabi niya bigla na lang kami'ng nanahimik sa tabi at yung iba kumuha na lang din ng dessert ng kanya kanya. Nilapag ko muna ang hawak kong phone ni Tony sa lamesa at kumuha ng dessert para naman may panghimagas kami after ng meal na nakakabusog.
Nang makabalik kami nakita ko Syd na sobrang tahimik at seryoso lang muka niya habang nagcecellphone at kumakain. Hala nagalit nga siya!
"Syd" tawag ko dito nang makaupo ako
"Ohh?" She answered not even glancing at me.
"Wag ka na maasar! Okay lang 'yan! Hindi ka naman namatayan" sabi ko dito
"Kumain lang naman ako bakit ako maasar?" Sabi nito at tumingin na sa akin
I know she was faking it so I just shrugged it off. Muka naman kasi'ng may pinagdadaanan ito dahil kagabi nag kwento 'to sa akin na pinagtutulungan nanaman siya ng kapatid niya kaya nasa bahay nanaman siya ng Lola niya tumira.
Akala niyo lang masayahin 'to pero pag dati'ng sa pamilya nito madami'ng pinagdadaanan 'to. Tapos nadagdagan pa 'yung pag-friend zone sa kanya! Okay lang naman sa kanya 'yun, alam ko pero inasar pa kasi namin tapos iba pala dahilan ng kalungkutan niya ngayon.
Magaling magpanggap si Syd sa emosyon nito kaya wala'ng nakakapansin na nagpapanggap na lang ito matawa. Pati nga ako hindi ko na din napapansin kasi akala mo totoo ang mga ngiti niya. Kaya nang kumain kami nagkwentuhan kami at muka naman namilibang ang isang 'to.
Binuksan ko muli ang phone ni Tony at nagselfie habang inaantay ang iba matapos sa kinakain.
Kumanta na kami ng Happy Birthday kay Citi ng natapos sila sa kinakain at pinaihip siya ng kandila sa cake nito. Ang balak kasi namin iuwi niya na lang ang cake sa bahay nila kaya hindi namin kinain dito.
Nang matapos kami pumunta kami sa seaside muli para duon antayin ang driver nila Tony. Umupo muna kami sa tabi para pagmasdan ang dagat.
"Tony" tawag ko dito ng makaupo din ito sa tabi ko
"Why?" He said looking at me
"Paano kung bastedin kita?" Tanong ko dito
"Kahit ilan beses mo pa 'ko bastedin liligawan kita uli hanggang sa sagutin mo na ako. Hindi ako sumusuko sa gusto ko'ng makuha kaya ganun din ang gagawin ko sa'yo, Madi" sagot nito habang nakatingin sa dagat
Once again, my heart raced. He made me do this kaya dapat panindigan niya 'to.
"Bakit may balak ka bang bastedin ako?" Pagdagdag na tanong ni Tony pero hindi pa rin ito nakatingin sa akin
Unting tiis na lang, Tony! Masasagot ko na ang mga tanong mo. Kaya pa 'yan! Right now, I'm letting my heart choose and I will choose you, kaya tiis pa! Intay lang ng konti.
"Nah, I don't know" I said while shaking my head
"No rush, Syd! No pressure" sabi pa nito at napatingin na sa akin at ngumiti
I bit my lowered lip and close my eyes feeling the cold air. Bigla na lang ako nakaramdam ng mabigat sa balikat ko.
Binuksan ko ang mga mata ko tinignan si Tony na nakahiga ang ulo sa balikat ko.
I just smiled thinking that he will be clingy pag sinagot ko 'to.
"Ehem ehem!"
Napatingin ako kay Citi na nasa likod ko at nakatayo na
"Andiyan na ang driver tama na ang landian" sabi nito at umirap
Napatayo na lang kami at una ng bumaba si Tony.
Dahil mataas ang pinaguupuan namin kailangan ko pang tumalon para makababa ako pero laking gulat ko na lang ng hawakan ni Tony ang beywang
"Hawak ka sa balikat ko para maibaba kita" sabi pa nito
Napatanga na lang ako at humawak sa balikat nito. Binuhat ako nito at binaba
"Hindi ba mabigat, Tony?" Singit ni Ivy
"Hindi, bakit?" Sagot naman nito
"Wow, ang taba kaya ni Madi buti di ka nabigatan" pang aasar ni Ivy
Aba gago 'to ahh!
"Shut the f**k up, Ivy" saway ko dito
Tumawa na lang ito at ngsimula ng maglakad.
Sumakay na kami sa Van at umuwi na kami.