Nakasilip kami mula sa labas ng bodega. It's past midnight at alam naming may nangyayari ng meeting sa loob. Kailangan na naming magsimula. Anytime darating na ang tinawag naming back up. Sinenyasan ko si Julie na pumunta para dispatsahin ang bantay. Nakangiti itong tumango. Hinubad nito ang suot na jacket at lumantad ang hapit nitong damit. Ibinato niya ang jacket kay Marc. "Aw!" sambit nito nang tumama ang bakal na disenyo nito sa ilong niya. Ngumiti naman nang nakakaloko si Julie at umikot na para puntahan ang dalawang bantay. Pinanuod ko siya habang kinakausap ang dalawang bantay. Pumasok sa loob ang isa at nag-umpisa si Julie sa pang-aakit sa naiwan. Napangiti ako nang makita kong ipinulupot niya ang mga kamay niya sa leeg ng lalaki at binali ito. 'Yan talaga ang expertise ni Julie

