Maaga pa lang ay nasa gym na ako. Magdadalawang oras na akong nagmumuni-muni. Hindi ako nakatulog nang makabalik ako sa kuwarto ko pagkatapos akong iwan ni Casey kaninang madaling araw. Masyado akong nagulat sa ginawa niyang rebelasyon. Ano ang ibig niyang sabihin ng sinabi niyang sa kanilang dalawa ni Amanda ay nakakasigurado siyang hindi siya ang ampon? Does she mean ampon si Mandy? Naguguluhan ako. But I'm not stupid to confront Mandy. Wala naman itong masyadong kinukuwento regarding her family background. At hindi ako pakialamero ng buhay ng may buhay unless apektado talaga ako. Iginala ko ang mga mata ko sa loob ng gym upang mabawasan ang inip ko sa paghihintay Kay Cassandra. Marami ng trainers at recruits ngayon sa gym. May mga grupong nag-aaral ng judo at iba pang self-defense tech

