Kanina pa ako katok nang katok sa kuwarto niya. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya ngunit ayaw pa rin niya akong pagbuksan o sagutin man lang. "Hey, Terrence. Wala diyan 'yung tinatawag mo." Isang boses ang nagpatigil sa ginagawa ko at nagpalingon sa akin. Si Marc. "Saan siya nagpunta?" agad kong tanong. Sana hindi siya umalis sa building. Kinakabahan ako. Alam kong galit na galit siya ngayon kaya natatakot ako sa pwede niyang gawin. "Nami-miss daw niya mag-club sabi niya sa akin nang makasalubong ko siyang bihis na bihis kanina. Baka namasyal lang iyong bata. Masyado ka namang worried sa alaga mo. Oh, saan ka pupunta?" Hinabol niya ako nang bigla ko siyang talikuran pagkatapos kong mapakinggan ang mga impormasyong sinabi niya. "s**t! Bakit mo siya pinayagan? Tinanong mo

