"Congratulations, Kuya!" Malugod kong tinanggap ang pagyakap sa akin ng kapatid kong si TJ. Napasulyap ako kay Cassandra na yakap naman ng maybahay ng kapatid ko na si Raine. Buhat nito ang anak nilang si Kian na magtatatlong taon na. Dahil masyado itong akitibo at di makaabala sa mga magulang, kinakailangan na may isa sa kanila na laging karga ito lalo na kung nasa pampubliko silang lugar. "Congrats, Kuya Terrence!" Sunod namang yumakap sa akin si Raine. "Hey, Casey! Kapag pinaiyak ka ni Kuya, isumbong mo sa akin, ha?" pagbibiro ni TJ sa hipag. Natawa naman ako sa tinuran niya. "Ako kaya ang laging pinapaiyak niyan," natatawa ko pa ring sagot. "Whoo! Maniwala ako sa'yo, Kuya," pailing-iling na sagot ng kapatid ko habang kinukuha na si Kian sa asawa. "Kayo, kelan kayo magpapakasal
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


