Kabanata 42

1089 Words
AVEL Nag-iwas ng tingin sa akin si Aerith. Hindi makatingin sa mga mata ko. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit gusto ko ring malaman kung may nagugustuhan ba itong lalaki. Wala namang masama kung aalamin ko, diba? “Meron ba, Aerith?” malamyos na tanong ko. Napalunok siya nang mariin at tumingin sa akin. “S-Siguro hinahangaan ko lang siya… bago sa akin ang pakiramdam na ito. Kahit kalian ay hindi pa ako nagkagusto o humanga sa isang lalaki…” Napalunok ako nang mariin. Ang isipin na si Aerith ay may nagugustuhang ibang lalaki ay parang patalim na humiwa sa dibdib ko. Pero teka, bakit kailangan kong maramdaman ito? Hindi pwede. Wala akong karapatan na masaktan o ano. Hindi ko dapat nararamdaman ito. Pilit akong ngumiti sa kanya. “Ganoon ba? Sino siya?” “H-Hindi ko pwede sabihin, ano. Akin na lang ‘yun!” Namumula ang pisnging sabi nito. Napabuntong-hininga ako. “Napakaswerte niya,” “Bakit naman?” kunot-noong tanong nito. Nagkibit-balikat ako. “S’yempre. Isang prinsesa ang nagkakagusto sa kanya,” Lumambong ang mukha nito. “Ganoon ba? Dahil ba sa isa akong prinsesa? Paano kung normal na mamamayan ako rito sa Ereve? Hindi na siya swerte?” Nanglaki ang mga mata ko. “Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Isang malaking bagay na prinsesa ka. Dahil natitiyak kong maraming kabinataan ang naghahangad na mapansin mo, Aerith. Pero kung ilalagay natin sa ibang pagkakataon at kunyari ay hindi ka prinsesa, natitiyak kong walang magbabago. Marami pa rin ang magkakagusto sayo dahil bukod sa maganda ka na nga, mabait pa, mapagmahal sa kapwa at sa Ereve,” Napayuko ito. “M-Maganda ako…?” halos pabulong na lang nitong sabi pero narinig ko pa rin. Tumango ako. “Hindi lang maganda. Magandang maganda. Natitiyak ko kung napunta ka lang sa mundo ng mga tao? Naku. Tiyak na pinagkaguluhan ka na roon. Ang ganyang itsura ay tinuturing na bughaw sa amin,” “Bughaw?” “I mean… parang mga royal. ‘Yung mga elite at mayayaman. Katulad niyo rito, ang magulang mo ang Reyna at Hari ng Ereve,” paliwanag ko. Nagpatango tango ito. “Pero… hindi ko naman hangad ang atensyon nila. Isang lalaki lang ang nagugustuhan ko…” Nakaramdam ako ng inggit sa lalaking ‘yon. He must be so lucky. Isang maganda at prinsesa ang nagkakagusto sa kanya! “Ano ba ang gusto mo sa isang lalaki?” tanong ko para gumaan naman ang pakiramdam ko. Napaisip ito. “Gusto ko? Hmmm…” tila nagisip ito. “Hindii naman mahalaga sa akin ang itsura, pero s’yempre bonus kung gwapo ang lalaki. Gusto ko ‘yung mabait, may paninindigan, makabayan at may compassion sa kapwa. ‘Yun ang mga katangiang gusto ko sa isang lalaki. ‘Yung hindi basta-basta sumusuko sa hamon ng buhay,” Napaisip ako. Ganoon ba ako? Parang hindi naman. Napangiwi tuloy ako dahil sa naisip ko. “Anyway, kung sinuman ang lalaking ‘yan, napakaswerte niya,” Napangiti ang dalaga ng malawak. “Tingin mo?” “Oo naman,” Kuminang ang mata ni Aerith at halatang nag-daydream pa ito. “Hay, sana nga. Magustuhan niya rin ako. Pero… para kasing impossible eh.” “Bakit naman?” maang na tumingin ako sa kanya. “Masyadong komplikado ang magiging sitwasyon,” “Dahil ba sa isa kang prinsesa at siya ay maaring ordinaryong mamamayan lang?” Umiling ito. “Hindi sa ganoon. Basta, komplikado ang sitwasyon. At hindi naman siya ordinaryong mamamayan. Hindi ko na nga rin alam ang iisipin ko, Avel,” Mukhang binibigyan pa ng lalaking ‘yon ng problema si Aerith ah. Nakakainis. Sino ba ‘yun? “Kung talagang para kayo ng lalaking ‘yon para sa isa’t-isa, kahit anong mangyari ay magiging kayo, Aerith. Kahit ang mundo pa ang kalaban niyo. Pagtatagpuin ang mga puso niyo. Iyon ay kung kayo talaga ang para sa isa’t-isa,” Napangiti ang dalaga. “Hindi ko akalain na may pagkaromantiko ka pala, Avel.” Natawa na rin ako. “Hindi naman. Hindi ko nga alam kung ano ako kung isa akong kasintahan. Nagkaroon naman ako ng love interest. Pero hindi ganoon kalalim ang nararamdaman ko noon dahil busy talaga ako sa pag-aaral. Tutok ako sa trabaho at ‘yung pangarap ko ang inuuna ko. Kaya naman, wala akong ideya kung ano ako kung sakaling maging isang nobyo ako,” Ngumiti si Aerith. “Anu pa man, tingin ko ay magiging isang mabuting nobyo ka, Avel. Mapagmahal ka sa kapwa mo at nakikita ko ang malaki mong pag-galang sa mga kababaihan,” Natawa ako. “Masyado mo na yata akong binobola n’yan, Prinsesa Aerith…” Natawa na rin ito. “Hindi ah. Hindi kita binobola. Bakit ko naman gagawin ‘yun?” Biglang humihip ang malamig na hangin. Nanuot ito sa aming katawan at kahit medyo may kakapalan naman ang suot ko ay nilamig pa rin ako. “Masyado nang malalim ang gabi, mahal na prinsesa. Baka lamigin ka…” She chuckled. “Madaling araw na, Avel. At sanay na ako sa lamig dito. Pero salamat sa pagaalala…” Napahikab ito. Nagkatawanan kami. “Mukhang naantok ka na. Anong oras na rin, at maaga pa tayo mamaya sa training,” “Sige. Matulog na tayo. Kailangan natin ng sapat na tulog at pahinga. Tiyak na pagod nanaman tayo mamaya n’yan,” Nagkatawanan kami ulit. Sabay kaming naglakad palabas ng terasa. Nasa corridor na kami patungo sa aming mga kwarto. Medyo madilim na kasi madaling araw na at idagdag pang kaunti na lamang ang bukas na ilaw sa pasilyo. Kaya naman hindi napansin ni Aerith na nasagi nito ang malaking figurine na nakadisplay sa daan. “Aaah!” mahinang tili nito. Mukhang iniingatan nito huwag masagi nang malakas ang figurine dahil baka mabasag kaya naman napatid ang dalawang paa nito at napaikot sa ere. Tila slowmotion ang pangyayari sa akin kaya naman mabilis ang mga kilos na sinalo ko siya. Naiwasan nitong hindi tumumba ang figurine, pero ito naman ang natumba. Kitang kita ko kung paano bumagsak ang dalaga sa bisig ko. Napasinghap ito nang malakas. Inaakala siguro nitong babagsak ito sa sahig. Tila nabalatubalani ako sa itsura niya. She is breathtakingly beautiful! Goodness! Her beauty is unjustifiable. Rinig ko ang pagsinghap ni Aerith sa braso ko. “Gotcha, princess,” I smirked. Nangdidilat ang mga mata nito habang nakatingin lang sa mata ko. “A-Avel…” ang tanging nasabi na lamang nito. Napalunok ako nang mariin nang madaan ng mata ko ang napakagandanag dilag na sa aking mga bisig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD