Kabanata 61

1097 Words

AVEL Nakangiting tinignan ako ni Aerith habang hawak-hawak niya ang kamay ko. “Avel. Ano pang hinihintay mo r’yan? Tara na!” yaya ng dalaga sa akin. Huminga ako nang malalim. Ikiniling ang ulo. Hindi. Hindi ko ito pwedeng maramdaman. Bakit naman sa dinami dami ng babae, bakit kailangan kay Aerith ko pa maramdaman ito? Hindi. Baka naman masyado ko lang namimiss ang mundo ng tao. Baka masyado lang akong na-ho-homesick. Pero hindi ko nararamdaman ang kalungkutan. Sa medaling salita, hindi naman ako ‘yung hungkag ang pakiramdam dahil hindi ko nakikita ang pamilya ko o mga kaibigan ko. Kaya ano itong nararamdaman ko…? Lumabi si Aerith sa akin. “Hindi mo ba gustong maligo? Ikaw ang nagyaya, tapos—“ Hindi ko na pinatapos magsalita si Aerith dahil mabilis ko siyang binuhat na parang bagong k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD