AVEL Nanglaki ang mga mata ko sa narinig. Hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi sa akin ni Kapitan Harlek. Naeeskandalo ako! “Ano? Hindi kami naghalikan! At bakit ko naman siya hahalikan, Kapitan Harlek? Hindi ako ang tipo ng lalaki na dahil lang sa nagagandahan ako sa isang babae ay hahalikan ko na siya. At nakikita ko sa prinsesa na isa siyang konserbatibong babae. Ibang-iba sa mga babaeng kilala ko. Kaya huwag kanang magisip ng kung anu-ano, Kapitan. Dahil hindi ko gagawin ‘yun,” mariing tanggi ko. Tumaas ang isang kilay niya sa akin. “Eh paano kung ang prinsesa mismo ang magsabi sayo na halikan mo siya? Anong gagawin mo?” Namula naman ang dalawang pisngi ko sa kaisipan na ‘yon. Parang impossible naman mangyari ‘yun. “Naku, Kapitan. Malabong mangyari ‘yan. Kahit ako na lang siguro

