Kabanata 24

1027 Words
AVEL Walastik! Kahit ano palang gawin ko mukhang hindi rin talaga ako makakatakas o makakapangdaya. May mata ang mga ito na tila magiging CCTV ko. Wala nga naman palang impossible rito dahil ang mundo na ito ay puno ng kapangyarihan. "Magsisimula na tayo, Avel. Pagbilang ko ng tatlo ay pwede ka nang magsimula at bubuksan na rin namin ang timer," aniya nito. Tumango na lang ako. Pinuno ko ang sarili ko ng hangin at oksihena. Kaya ko 'to. Kailangan kong kayanin. "Isa... dalawa... tatlo!" Isang malakas na sigaw nito at narinig ko na ang pagtunog ng orasang ginagamit ng mga ito. Lumunok ako nang matindi at kumaripas ng takbo. Hindi naman masyadong mataas ang mga burol, pero hindi rin naman masasabi na maliit masyado. Parang Chocolate Hills sa mundo ng tao. Ganoon kalaki. Kailangan kong takbuhin ang burol simula rito sa field hanggang doon. At kailangan kong takbuhin ang tatlong burol na 'yon at pabalik pa. Hindi talaga ako atheletic type na tao. Hindi ako mahilig mag-exercise o mag-gym. Talagang nabiyayaan lamang ako ng maganda at fit na katawan. Mga nakakalimang minuto na siguro ako sa pagtakbo nang marating ko na ang burol. Napangiwi ako nang makita medyo mahirap tumakbo roon dahil medyo basa ang lupa at tiyak na madudulas ako. Sinubukan kong takbuhin, at dahil paakyat ang burol at basa ang lupa, madulas nga. Idagdag pa na ang gamit ko sa paa ay hindi compatible sa aakyatan ko. Pinilit kong takbuhin pa rin. Pero nadulas lang ako at dumausdos sa baba ng burol. Inis na hinubad ko ang sapin ko sa paa. Wala akong choice, kundi takbuhin ito ng nakapaa. Ayaw kong may masayang akong oras o ano. Hindi na ako nagtagumpay kanina. Kaya hindi ko hahayaan na hindi ko matapos ang task na ito. Paano ako magiging lalaki sa propesiya kung ito pa lang ay hindi ko na magawa? Tinodo ko ang lakas ko para umakyat ulit sa pangalawang burol. "Kaya mo 'to, Avel. Kaya mo!" nararamdaman kong nakasunod lamang sa akin ang mata. Dapat kong ipakita sa lahat na handa akong yakapin ang responsibilidad ko at hindi ako basta-basta susuko. Ngayon pa ba ako susuko, kung kailan naririto na ako sa Ereve? Naakyat at nakababa ulit ako sa pangalawang burol. Medyo hinihingal na ako at grabe na 'yung pawis ko. Ang sakit na rin ng tuhod at binti ko. Nangangalay. Halatang hindi sanay sa ganitong activity. Nagpahinga lang ako ng kaunti. Inipon ko ulit ang hangin sa dibdib ko at muling tumakbo. Medyo kinakapos na ako ng hininga at gusto kong uminom ng tubig. Tirik na tirik din ang araw kaya ang sakit sa balat ang init masyado. Pawis na pawis na ako! Inakyat ko ang panghuling burol. Nang makababa na ako ay laking ginhawa ang naramdaman ko. Alam ko, sa pagkakataon na ito ay may tyansa na magtagumpay ako. Pakiramdam ko ay wala pang trenta minuto ang nakakalipas. Tumatakbo na ako sa gitna ng gubat nang makarinig ako ng batang umiiyak. Hindi ko sana papansinin ito, dahil for sure naman may kasama itong matanda sa lugar na 'yon at may mahika naman ang mga ito. Pero parang hindi kinaya ng konsensya ko dahil palakas ng palakas ang iyak ng bata. Hinanap ko ang tinig nito at nakita ko ang bata na umiiyak, katapat nito ay isang ahas na mukhang aatakihin ito. Bata pa ito, siguro wala pa itong kapangyarihan. O kung hindi man, siguro mahina ang loob. Nagpakita ako sa bata at sinenyasan ito na huwag mag-ingay. Balak kong kunin ang ahas habang nakatalikod ito sa akin. Ngunit nanglalaki ang mata ng bata. "I-Ikaw po 'yung Avel, diba? 'Yung lalaki mula sa ibang mundo..." Hindi ako sumagot kasi baka maramdaman ako ng ahas. "K-Kuya! Huwag ka pong lumapit. Hindi po 'yan ordinaryong ahas tulad sa mundo niyo. Mapanganib ito at malakas ang kamandag. Iilan lamang ito sa Ereve. At kasalanan ko po, kasi nabulabog ko ang lungga nila habang naglalaro po ako," nagaalalang sambit nito. Muling pumatak ang pawis ko sa noo. Ibang klaseng ahas? Pero hindi ko naman siya kayang iwan dito. Napatingin ako sa mata na nakasunod sa akin. Sigurado naman akong nakikita nila ako ngayon, bakit hindi man lang sila magpadala ng rescue para sa bata?! Wala na akong oras para isipin pa 'yon ang mahalaga ay ang buhay ng bata. Nakita kong akmang sasagpangin na ng ahas ang bata, ngunit tila naging napakabilis ng kilos ko. Para akong nagkaroon ng mahika na hindi mawari. Mabilis kong nahawakan sa ulo ang ahas. Tila ba may adrenaline rush ako at pinalo ko ang ulo ng ahas sa puno roon. Sa lakas siguro ng impact ko ay tila nahilo ang ahas sa ginawa ko. Pagkatapos ay tinapon ko ang ahas sa pinakamalayong kaya kong itapon ito. Mabilis kong inalalayan sa siko ang bata. "Halika na, takbo!" Pero hindi kumilos ang bata. Napakunot-noo ako. Ngayon ko lang narealize na kaya pala hindi ito makatakbo ay dahil may malaking itong sugat. "Saan mo nakuha 'to?" Nagaalala kong sambit. "Nadapa po ako, kuya. Natakot kasi ako nang makita ko 'yung ahas," "Hindi mo ba kayang tumakbo o maglakad?" Umiling ang bata. Huminga ako nang malalim. "O sige, ipapasan na lang kita," Nanglaki ang mga mata ng bata at umiling. "Naku, hindi na po kuya! Alam po namin na ito ang unang araw niyo sa pagte-training. At may oras po kayong hinahabol. Sige na po. Ipagpatuloy niyo na po. Naabala ko pa po kayo, Kuya. Okay na ako rito. Pagdating niyo ipasundo niyo na lang po ako sa mga guards. Malayo naman na po ang ahas at hindi na niya ako matutunton," Umiling ako. Hindi ko gusto ang ideya nito. "Ang ahas alam niyang mahina ka at wala kang laban kanina. Isa pa, may fresh kang sugat. Hindi malayo na matunton ka ulit. Hindi naman sobrang layo ng pinagbatuhan ko sa kanya. Halika na," "Pero, Kuya. Mauna ka na, kapag pinasan mo ako, mas babagal kang tumakbo. Baka hindi ka makaabot sa time limit," Nagseryoso ang mukha ko. "Practice lang 'yon. Wala akong pakialam kung umabot man ako o hindi. Ang mahalaga mailigtas kita rito at magamot ka na agad," Nakita ko ang pagsinghap ng bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD