AVEL
Nagulat ako nang ipakita sa akin ni Kapitan Harlek na isang pana 'yun. A crossbow. Dati-rati, nakikita ko lang ang ganitong armas sa movie o kung hindi naman sa mga online games lang. Hindi ko akalain na darating ang araw na makakakita ako ng ganito sa totoong buhay.
"Pana?" nasambit ko.
Tumango si Kapitan Harlek. "Tama ka, pana. Ito naman ang susunod mong dapat matutunang armas. Ituturo namin sayo ang mga armas na kailangan mong matutunan. Dapat maging all-around ka sapagkat hindi ka naman tulad namin na may kapangyarihan. Kaya dapat lamang na lahat ng armas ay marunong kang gumamit. Hindi natin masasabi ang panahon kapag naririto na ang kalaban,"
Tumango ako.
"Huwag ka masyadong magalala, Avel. Hindi ka naman agad isasambak sa laban ngayon. Tuturuan ka lang namin kung paano gumamit ng crossbow. Katulad ng katana, mahirap din matutunan ito. Hindi namin hinihiling na maging propesyunal ka. Pero kailangan mong malaman kung paano gumamit ng iba't-ibang armas,"
Tumango ako. "Wala namang problema sa akin 'yun, Kapitan Harlek. Nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko. At nakakachallenge matuto ng iba't-ibang klaseng armas,"
Napangiti ang Kapitan.
"Sige, subukan mong hawakan." utos nito.
Tinanggal ko sa cover ang crossbow at mabigat din. Katulad ng katana.
"Saan gawa ito? Totoo bang gawa ito sa gold? Kulay gold eh," sabi ko.
"Tama ka, Avel. Gawa talaga sa gold ang crossbow na 'yan. Dahil sa mundo ng Ereve, hindi naman masyadong mataas ang value ng minerals katulad ng gold. Sa mundo lang ng tao malaki ang halaga nito. Bagama't hindi marami ang gold dito, wala itong value sa amin at tinuturing lang naming palamuti,"
Naamaze ako. "Pagkatapos ng digmaan kukuha amo ng ilang gold. Tapos dadalhin ko sa mundo ko. Para naman maging mayaman o bilyonaryo na ako," Nagpapatawa lang na sabi ko. Hindi ko intensyon 'yun.
Pero nagulat ako sa sinagot niya. "Walang problema, Avel. Pwede nating hingiin ang permiso ng Hari at Reyna. Natitiyak kong pagbibigyan ka nila. Maliit lang na bagay 'yun kumpara sa sakripisyo mo rito ngayon,"
Napasinghao ako. "Nagbibiro lang ako. Hindi ko intensyon 'yun,"
Natawa rin si Harlek. "Nagbibiro ka man o hindi, natitiyak kong papayag ang Reyna ar Hari. Wala namang may interest dito ng gold dahil wala naman itong value sa aming mga Enchanted. Tiyak kong ikagagalak nilang bigyan ka,"
Shit. Eh paano nga kung totohanin ko? Hindi ako gold digger o mukhang pera. Pero s'yempre, hindi naman ako tanga para hindi malaman na alam kong papayag talaga ang mag-asawa.
Nagkibit-balikat ako. "Saka ko na lang iisipin 'yan. Mag focus muna ako sa magiging training natin," nasabi ko na lang.
Hindi naman mahirap ang pamilya ko. Sa katunayan ay matuturing kaming mayaman. Hindi naghihikahos, may magandang bahay at negosyo. Kami ang tipo ng pamilya na hindi bilyonaryo, pero hindi naghihirap sa buhay. Kaya namin bilhin ang needs and wants namin.
Kaya natitiyak kong kapag kumuha nga ako ng ilang gold dito, paguwi ko sa mundo namin ay bilyonaryo na ako. Natitiyak kong makukwestyon din ako dahil saan mangagaling ang ganoong gold?
"Halika na, at magsimula na tayong magtraining," pagyaya ko kay Kapitan Harlek. Natawa ito sa akin.
Kinuha rin nito ang sarili nitong crossbow habang ang dalawang kasama nitong kawal ay nanunuod lamang sa amin sa gilid.
"Nakikita mo ang target board na 'yan? Ilang linya ng bilog ang makikita mo, diba? Kapag magaling na magaling kana, ang pinakagitnang bilog ang targetin mo. Masasabi marunong at magaling na ang isang archer kung kaya nitong patamain ang pana sa mismong gitnang bahagi. Pero huwag kang magaalala. Hindi naman 'yun agad ang target natin. Ang target mo lang muna sa mga unang araw ng training mo eh kung paano ang tamang paghawak at pag-gamit sa crossbow at patamain ito sa target board,".
Naintindihan ko ang lahat ng sinabi niya.
"Naiintindihan ko,"
"Ganito ang tamang paghawak sa crossbow, Avel. Tignan mo ako..."
Hinawakan nito ang crossbow at idinikit sa katawan. Huminga ito nang malalim at inilapit ang armas sa bahagyang dibdib. Medyo malaki ang crossbow kaya abot sa bandang mukha nito. Pinikit nito ang isang mata at hinila ang dulo ng pana at binitawan.
Pigil-hininga ako havang sinusundan ng tingin ang pana. Nanglaki ang mga mata ko nang makita sa pinakagitnang bahagi nito naitama ang pana.
"Wow! Ang galing mo naman, Kapitan Harlek! Wala ka yatang hindi kayang gawin? Grabe! Sobrang galing. Ang galing mo na nga magkatana, ang galing mo pa sa crossbow. Tapos makapangyarihan ka pa. Ikaw na," naamaze na sabi ko.
Natawa ito. "Mas mabibilib ka kung makikita mo ang kapangyarihan ng Hari at Reyna. At kung nabibilib ka na ngayon, tiyak ma mas mabibilib ka sa kapangyarihan ng kalaban. Di hamak na mas malakas ang kapangyarihan nila,"
Naipilig ko ang ulo ko. "Paano mo nasabi 'yon? Nakita mo na ba ang kapangyarihan nila?"
"Hindi pa,"
"Kung ganoon, paano mo nga nasabi na mas malakas at mas nakakabilib ang kapangyarihan nila?"
"Simple lang. Di hamak na mas malaki ang bilang ng taga Ereve kaysa sa grupo nila. Natitiyak kong hindi sila lalagpas sa bentang nilalang,"
Halos malaglag ang panga ko. "Ano?! Mga benteng nilalang?" Eh sa tantiya ko ang Ereve ay binubuo ng mga limang daang tao at isang libo na ang pinakamaximum. Tapos ang grupo na sinasabi nito ay hindi lalagpas sa sampu?
"Kung tama ka sa iniisip mo, napakamakapangyarihan naman nila. Kasi kung hindi ako malakas, hindi ako magaaksaya ng panahon at mas lalong hindi ako magpapakamatay sa laban. Hindu ako pupunta sa isang teritoryo tapos ikamamatay ko lang,"
Tumango si Kapitan Harlek. "Tama ka at may punto. Kaya malaking palaisipan sa amin kung ano ang kapangyarihan nila at ganoon na lamang ang lakas ng loob nila na maghasik ng lagim dito,"
Parang bigla ay nagkaroon ako ng problema kahit wala naman ako dapat problemahin.
Tinignan ko si Kapitan Harlek ng seryoso. "Kung gayon, nararapat lamang na turuan mo na ako. Hindi ako papayag na sirain ng mga 'yon ang itinatag niyong lugar. At hindi ko sila hahayaan magwagi," pinal at madiij kong sambit.
Nakita ko ang pag-ngiti ni Kapitan Harlek.