Kabanata 44

1048 Words
AVEL Masasabi ko naman na marami akong natutunan nitong mga nakaraang araw. Naging puspusan ang training ko sa katana. Pagkatapos ng laban namin ni Natan, araw-araw akong nilalaban ni Kapitan Harlek sa dalawang kasama nitong kawal. Naroroon ‘yung masugatan ako, naroroon ‘yung parang binugbog ang katawan ko sa pagod. Mahirap. Napakahirap pag-aralan ng katana. Pero nakaka-enjoy naman. Sabagay, wala naman sinabi si Kapitan Harlek na kailangan ko maging propesyunal katana user. Ang sinabi lang naman nito ay katamtamang galing sa pagkakatana. Basta, marunong lang siya kung paano makipaglaban gamit ito. At ngayon nga ay ang huling araw naming sa pagte-training ng katana. Tumango ako at huminga nang malalim. “Dahil ito na ang huling araw mo sa katana training… ang makakalaban mo ay ako,” sambit ni Kapitan Harlek. Napasinghap ako. Ano? Bakit siya ang makakalaban ko? Ang lakas-lakas at ang galing nito. Parang impossible naman na matalo ko siya. Nabasa nito ang nasa isip ko. “Hindi mo dapat pairalin ang negatibo, Avel. Marunong ako ng magkatana, pero hindi ako propesyunal na manggagamit katulad ni Master Shingyang. Kaya wala ka masyadong dapat ikabahala. Isa pa, dapat mong seryosohin ang laban dahil dito nakasalalay kung magtatapos na tayo sa katana training at lilipat naman tayo sa iba,” Huminga ulit ako nang malalim. “Isa pa, malayo na ang narating mo. Ilang beses na tayong nagtraining. Alam kong may ibubuga ka,” “K-Kailangan bang matalo ka para makapasa ako? I mean, dapat ba kitang matalo para makapunta na ako sa ibang training naman?” “Mas maganda kung matatalo mo ako, s’yempre. Pero kung hindi mo ako matatalo, ako ang magdedesisyon kung papasa ka ba. Dapat bigyan mo ako ng magandang laban. Dapat ‘yung tipong nahirapan ako sayo at halos matalo mo na ako. Tulad nga ng sinabi ko sayo, hindi mo kailangan maging katulad ni Master Shingyang. Kailangan mo lang natuto kung paano gumamit ng katana. Dahil hindi natin masasabi ang panahon,” Tumango ako bilang pagsang-ayon. “Okay, Kapitan Harlek,” Naglakad kami papuntang sa gitna ng ground field. Nanonood sa amin ang dalawang kasama ni Kapitan Harlek na mga kawal. Siguradong mahirap ang magiging laban namin. “Handa ka na ba, Avel?” Nakangiting tanong niya sa akin. Tumango ako. “Handa na po, Kapitan Harlek,” “Walang time limit. Kahit ilang oras pa tayong maglaban. Basta kung sino ang pinakahuling nakatayo ay siyang panalo. Bagama’t pwede akong magbigay ng exemption. Kung ako ang nakatayo, pero sa tingin ko ay karapat-dapat kang manalo, sasabihin ko ‘yun,” Muli akong tumango ng pagsang-ayon. “Naiintindihan ko, Kapitan Harlek,” Bumuo na ng formation ang lalaki. Alam kong naghahanda na ito para umatake. Pilit kong tinanggal ang kaba sa dibdib ko at huminga nang malalim ulit. Kaya ko ‘to. Kaya ko. Pumorma na rin ako. Nakita ko ang pag-ngisi ni Kapitan Harlek. Mukhang natutuwa ito sa pinapakita kong determinasyon. Nakita ko ang mabilis na pagtakbbo ni Kapitan Harlek patungo sa direksyon ko. “s**t! Napakabilis niya!” anas ko sa sarili. Para itong ipo-ipo. Napakabilis! Halos hindi ko na siya makita sa sobrang bilis. Kahit ang hangin ay hindi yata siya mayayakap. Nakaramdam ako ng malamig na hangin sa gilid ko, kaya naman mabilis akong napalingon. Nakita ko nga si Kapitan Harlek kasama ang katana nito at akmang aatakihin ako. Naging napakabilis ng reflexes ko. Mabilis akong umilag. Hindi niya ako dapat matamaan. Dahil sa lakas ni Kapitan Harlek, siguradong manghihina ako. At sa tingin ko, hindi tatalab sa kanya ang taktikang depensa. Ganoon na ang ginawa ko kay Natan, kaya nasisiguro akong hindi na epektibo ito ngayon. Dapat ibang taktika ang gamitin ko sa kanya. Kailangan ko sigurong mag-opensa. Tama. Kailangan ako ang umatake sa kanya. Tiyak na hindi niya aasahan ‘yon. Pagkatapos ko siyang ilagan, mabilis kong hinanda ang katana ni Master Shingyang. Pumikit ako nang mariin at nagconcentrate. Sa pagpikit ko ay may napansin ako. Bakit tila kahit nakapikit ako may nararamdaman ako sa paligid ko? Parang kahit nakasarado ang mata ko, parang bukas. Kasi ramdam na ramdam ko kung nasaan si Kapitan Harlek at ang dalawa nitong kasama. Napasinghap ako. Damn… hindi kaya dahil sa training ay tumaas na rin ang senses ko? Mas mabuti kung ganoon. Dahil mas magiging alas ko ito. Naramdaman ko ang mabilis na paglapit sa akin ni Kapitan Harlek kahit nakapikit ako ng mata. Sinubukan kong salagin ang atake nito gamit ang katana ko. At nagulat ako sa sarili ko nang tumama nga ang katana ko sa katana niya. Dinilat ko ang aking mga mata at tama nga. Nasa harapan ko si Kapitan Harlek. Mukhang ikinagulat din ito ng Kapitan. Hindi niya inaasahan marahil ‘yun. Sinamantala ko ang pagkagulat niya kaya naman hindi niya inaasahan ang naging sunod kong pag-atake. Mabilis ko siyang tinira mula pababa hanggang pataas. Kitang-kita ko ang panglalaki ng mata niya. At kung hindi siya naging mabilis sa pag-ilang tiyak na nahiwa na ng katana ko ang dulo ng buhok niya. Nakita ko pa ang pagkatanggal ng ilang hibla sa ere. Dahil ito na rin ang final exam ko, hindi na nilagyan ni Kapitan Harlek ng mahika ang aming katawan. At dahil totoong may talim ang aming katana, dapat magdoble-ingat kami, dahil tiyak na disgrasya ang aabutin ng isa sa amin. Napangiti si Harlek. “Hindi ko inaasahan ‘yon, Avel,” Ito naman ang hindi nagpatalo. Napakabilis na pinaikot-ikot nito sa ere ang katana. At nilusob ako. Malakas, may pwersa ang atake niya. Napakabilis pa. “Para siyang sumasayaw…” sambit ko sa isip ko. Para lang talaga itong sumasayaw sa hangin habang winawasiwas ang katana nito. Mabilis na gumagalaw ang mata ko sa takot na masagutan ng katana. Baka mahiwa pa ako nito at hindi pa ako makapagtraining bukas. “Masasabi kong mabilis ka na rin, Avel. Maganda. Napapabilib mo ako,” Salag lang ako ng salag ng atake niya. Naiinis na ako. Hindi dapat ganito. Dapat hindi puro depensa lang ako. Malabong maubos agad ang lakas nito. Kailangan makaatake ako sa kanya. Kaya naman sa paparating niyang atake ay halos lumubog na ako sa lupa sa tindi ng pagkakasalag ko. Pagkatapos ay mabilis ko siyang tinulak upang magkaroon ng pagitan sa amin. Tumakbo ako patungo sa kanya. “Ako naman ngayon!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD