Never thought the emotion!

1777 Words
-------- ***Bianca’s POV*** - “This is his record, Bianca. As of now, nasa third year college na siya. Working student at kasalukuyang kumukuha ng BSCE sa St. Catalina College.” Iyon ang naging ulat sa akin ni Anthony, ang private investigator na kaibigan ko. Binayaran ko siya para sa isang misyon—isang misyon na matagal ko nang pinaglalaanan ng oras, pera, at pasensya sa nakalipas na tatlong taon. Ngayon, sa wakas ay natapos na ang misyon kong ito. Ang misyon na ipinangako ko sa sarili ko simula pa noong bata pa ako: hanapin ang tatlo kong nakakabatang kapatid at siguraduhing maayos ang buhay nila. Ang tunay kong pangalan ay Bianca Louisse Castelli. Pinalitan lamang ito nang inampon ako nina Denver at Melody Montenegro noong apat na taong gulang pa lang ako, kaya naging Bianca Montenegro na ako. Ang biological father ko ay isang Italian, habang isang Pinay naman ang aking ina. Tulad ng sinabi ko, I was born in luxury. Galing talaga ako sa isang pamilyang marangya—isang milyonaryong Italyano ang ama ko na nagpasya pang magtayo ng sariling negosyo dito sa Pilipinas dahil na rin sa pagmamahal niya sa ina ko. Apat kaming magkakapatid: ako ang panganay, kasunod ko ang kambal na parehong babae, at ang bunsong kapatid naming lalaki na ilang buwang gulang pa lamang nang sabay na mamatay ang aming mga magulang sa isang aksidente. Apat na taong gulang lang ako noon kaya wala akong malinaw na alaala kung ano talaga ang nangyari. Ang tanging tumatak lang ay ang biglaang pagkawala ko sa pamilya—isang araw ay nasa piling nila ako, tapos dinala na lang ako sa ampunan at tuluyan nang nahiwalay sa aking mga kapatid. Ilang buwan din akong nanatili roon bago ako inampon ng mga kinikilala kong magulang ngayon. Habang lumalaki ako, isa sa mga matibay kong ipinangako sa sarili ko ay darating ang araw na aalamin ko ang buong katotohanan sa nangyari matapos mamatay ang mga magulang namin… at hahanapin ko ang mga kapatid ko, anuman ang mangyari. Nung 20 years old ako, ibinigay nina Daddy Denver at Mommy Melody sa akin ang kalahati ng trust fund ko. Ginamit ko ito para magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa nakaraan. Doon ko nalaman na tuluyang inangkin ng business partner ng ama ko noon ang buong kompanya—ni isang sentimo, wala itong ibinigay para sa amin ng mga kapatid ko. Nalaman ko rin na ipinaampon ang tatlo ko pang kapatid, at hindi ko alam kung saan sila napunta. Sa loob ng tatlong taon, tuloy-tuloy ang paghahanap namin. Hindi ito naging madali. Walang malinaw na dokumento, walang sapat na lead, at wala akong gaanong naaalala sa kanila dahil napakabata ko pa noong kami’y nagkahiwa-hiwalay. Pero sa wakas, natagpuan ko na rin sila. Ang una kong kapatid na natagpuan, hindi naging maganda ang takbo ng buhay. Maaga itong nabuntis, nag-asawa, pero iniwan din siya pati ang tatlong anak. Hindi ako nagpakita at hindi rin ako nagpakilala, dahil ayaw ko nang guluhin pa ang buhay niya. Pero gumawa ako ng paraan para makatayo siya muli. Ngayon, maayos na ang buhay niya at may sarili na siyang negosyo. Sinundan ko naman ang kambal nito. Mas maganda ang naging buhay ng pangalawang iyon; doon na ito nanirahan at nag-settle sa ibang bansa bilang isang single mother, isa itong nurse doon. Pero tulad ng nauna, hindi ko rin siya nilapitan. Tahimik ko lang siyang tinulungan at sinigurong mas mapabuti pa ang buhay niya. At ngayon, itong huli—ang bunsong kapatid namin. Natagpuan ko na rin siya. At may plano na ako para sa kanya. At oo, tamang-tama ang kursong kinukuha niya para sa plano kong iyon. Napangiti ako kay Anthony. “Thank you for everything, Anthony. All these years, hindi ka sumuko at talagang tinupad mo ang ipinangako mo sa akin na hahanapin mo sila.” “I’m just doing my job, Bianca. Masaya ako dahil nagawa ko ang misyon na ibinigay mo sa akin.” Ngumiti siya bago muling tumingin sa akin. “So… what’s your next plan? I mean, ano ang plano mo ngayon na nahanap mo na sila?” Totoo—may plano nga akong nabuo. Pero hindi iyon para sa mga kapatid ko… kundi para sa sarili ko. Kahit hindi pa naman ako siguro sa plano na iyon. “Well… soon, I’ll be opening a new chapter of my life. And perhaps, it’s finally time to close the book of where I stand now,” makahulugan kong sagot. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Anthony, halatang nagtataka siya. But I don’t have any plan to explain this to him. “Well,” sabi ko habang tumatayo. Kailangan ko nang umalis; pupuntahan ko pa si Graham sa opisina niya at magandang balita daw siya sa akin. “Aalis na ako, Anthony. Salamat talaga sa lahat. See you when I see you.” Tumango siya, at humakbang na ako palabas, dala ang mga dokumentong iniabot niya sa akin—mga dokumentong magsisilbing huling pahina ng misyon ko sa loob ng tatlong taon. Ilang minuto ang lumipas nang makarating ako sa opisina ni Graham. Isang construction firm ang negosyo niya, at kilala na talaga ang pamilya nila sa industriya ng construction. Montreal Architecture and Engineering--- ang pinakamalaking architectural at engineering firm sa bansa—ito ang family business nila na kasalukuyang pinamumunuan ng nakatatanda nilang kapatid na si Kristoff Montreal. Si Hamlet lang ang nag-iba ng landas sa apat na magkakapatid; pinili nitong maging chemist at magtayo ng sarili nitong negosyo na unti-unti nang nakikilala sa ibang bansa. Magkaharap kaming nakaupo ni Graham. Siya ay nasa executive chair niya, habang ako naman ay nasa upuang nakaharap sa mesa niya. “I’m already done with what you asked me. I already bought the Northbridge Construction under my name kahit pa pera mo naman talaga ang ginamit sa pagbili nito, and now it is already a part of my company,” ani Graham, dahilan para ngumiti ako. “Hindi talaga kita maintindihan hanggang ngayon. You have no background, no experience, nothing related to construction, and yet you want to buy an almost bankrupt construction firm and make it part of my company. What is your reason, Bianca? Siguro naman ngayon pwede mo na sa aking sabihin ang rason. We’ve been friends since childhood, we share each other’s secrets, pero hanggang ngayon, pakiramdam ko ang dami mo pa ring hindi sinasabi sa akin.” Napangiti ako. Totoo naman ang sinabi ni Graham—kami talaga ang close simula noon. Pero kahit gaano pa sila kamukha ni Hamlet, kahit gaano kami ka-close, I never once mistaken him for his twin brother. My heart knows the difference. Kapag siya ang kasama ko, siya ang nakikita ko; hindi si Hamlet. Ganoon din kapag si Hamlet ang kaharap ko. Imbes na sagutin ko siya, inilapag ko sa mesa niya ang isang file folder. Kunot-noo niya itong kinuha at binuksan. “Edison Morales, isang college student—ano ito, Bianca?” tanong niyang hindi maunawaan ang koneksyon. “Gusto kong kunin mo siya bilang scholar ng kompanya mo. At pagkatapos niyang grumadweyt, gusto kong sa kompanya mo na rin siya magtrabaho—hanggang sa dumating ang araw na mature na siya, experienced enough, at kaya nang i-handle ang Northbridge Company. I want him to take over that company. Kahit under pa rin ng kompanya mo, gusto kong siya ang mamamahala sa Northbridge pagdating ng tamang panahon.” “What?!” halos mapatayo siya sa gulat. “Who is he, Bianca? Bakit ganito mo na lang siya pinahahalagahan? The Northbridge is a big company—napabayaan lang these past years. But under my management, I will make it rise again. Hindi mo pwedeng basta ibigay sa ibang tao ang kompanya mo.” “He is my brother, Graham.” Direktang tugon ko. Ngayon ko pa lang siya pagbubuksan ng mga detalye tungkol sa tunay kong pamilya. “And Northbridge is my father’s company. Binawi ko lang ang kompanya ng aking ama para ibigay sa mas karapat-dapat dito.” Napanganga siya, halatang hindi agad makapagsalita. “Ito ang kahilingan at pabor na hihingin ko sa’yo, Graham. Please… ito na talaga ang huli,” sabi ko, at ramdam ko ang pagmamakaawa sa sarili kong tinig. “Of course. Hindi naman mahirap gawin ’yan.” ngumiti siya. “At saka—please, huwag mo namang sabihin na ito ang huling pabor mo sa akin. Alam mo namang lagi akong nandito para sa’yo. Kung makapagsalita ka, parang hindi mo na ako kailangan.” Napatingin ako sa kanya, nag-isip sandali bago nagsalita. “Graham… paano kung sabihin ko sa’yo na plano ko nang ipa-annul ang kasal namin ng kakambal mo? Maniniwala ka ba sa akin?” Nanatili siyang nakatulala, nakabuka ang bibig habang nakatingin sa akin, tila hindi malaman kung ano ang sasabihin. “That’s ridiculous, Bianca,” aniya pagkatapos ng ilang saglit. “I don’t believe you. Halos buong buhay mo umikot kay Hamlet, tapos ngayon hihiwalayan mo siya? Para sa akin, nagpapatawa ka lang.” Tumawa pa siya. “But kung nagising ka na sa katotohanan at napagtanto mong mas guwapo ako kaysa sa kanya, wala namang problema. Pero kailangan mo muna akong suyuin.” Napatawa rin ako, pero sa loob-loob ko, hindi ako nagbibiro. Ilang araw na itong bumabagabag sa isip ko. Hindi pa man final ang desisyon ko, pero unti-unti na itong nagiging malinaw sa akin. “Graham… paano kung sabihin ko sa’yo na napapagod din ang puso? Na napapagod din ako sa pagmamahal sa kapatid mo? Sa tingin mo ba nagpapatawa pa rin ako?” Mahina kong sabi. “Hindi ko pa naranasan ang mabuhay na wala siya. Lahat ng ginagawa ko, laging siya ang sentro. Pati ang kursong kinuha ko, nakasunod sa kanya. Masaya ako dahil masaya siya. But he never saw anything good in me the way you do. What he always sees in me is the worst. He always thinks the worst of me.” Napailing ako, pilit na ngumiti kahit ramdam ko ang kirot na bumabalot sa dibdib ko. Parang hinati ang puso ko sa gitna. “Nakakapagod din pala. I’m 25 now, yet I still feel trapped as the five-year-old Bianca who believed that giving everything would somehow make Hamlet love her. And I no longer want to be that little girl.” Hindi ko napigilang sabihin ang lahat ng iyon kay Graham. Pinipigilan ko ang bawat emosyon, pinipigil ang luha kahit nanunoot na ang hapdi sa lalamunan ko. Lahat ng salitang binibitawan ko ay galing sa pinakailalim na bahagi ng puso ko. I wasn’t someone who felt this much, but now… I never imagined I’d ever experience a moment where emotions consume me this deeply.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD