Bianca's Plan!

1772 Words
---- ***Bianca’s POV*** - Mag-isa na naman akong kumakain ng agahan sa mahaba at malaking mesa. Maraming pagkain sa harapan ko, pero tahimik ang paligid. Walang kausap, walang kasabay. Nakatayo lang ang dalawang maid sa gilid, handang sundin ang kahit anong sabihin ko. Pero wala akong iniuutos. Wala rin akong gana. Sa kabila ng dami ng pagkain at laki ng mesa, pakiramdam ko, sobrang lungkot pa rin. Nakakalungkot talaga. Hindi ko na maalala kung kailan kami huling sabay kumain ni Hamlet. Bakit nga ba? Kay tagal bago ko nabuksan ang mata ko sa katotohanan na miserable pala ang buhay ko mula nung ikinasal kami. He always making me sad, making me feel like I am worthless. Just like what he did last night. Hanggang ngayon nga, malinaw pa rin sa puso ko ang sakit dahil sa ginawa niya sa akin kagabi. He left me like I was nothing. Basta, parang pinatong lang niya sa kama ang pagkabigo ko, at lumakad siya palayo na walang kahit anong paliwanag. Nakatitig lang ako sa mga pagkain sa harapan ko, pero sa bandang huli, wala rin akong ginalaw. Wala akong ganang kumain. Tumayo ako at sinabi sa mga maid na sila na ang kumain ng lahat ng nakahanda sa mesa. Tumango naman sila bilang tugon. Umalis ako at bumalik sa kwarto ko. Huminga ako nang malalim, pilit na kinokontrol ang emosyon ko. Hindi ako dapat magpadala sa inis ko. Isa na namang araw, at kailangan kong maging kalmado. Kailangan kong harapin ang trabaho ko sa araw na ito, at hindi pwede na masira pa ito ng galit na nararamdaman ko. Naligo ako, nagbihis, at inayos ang sarili ko. Ang buong katawan ko ay parang nagre-reload—handang harapin ang mundo. Pupunta ako ngayon sa opisina ni Hamlet para e- present ko sa kanya ang huling document para Lumivira, ito ang bagong produkto ng kompanya, isa itong gamot for cancer patient. Malapit na kasi ang launching nito. Pagdating ko sa opisina, hindi ko maikakaila ang tensyon sa pagitan naming dalawa ni Hamlet. Pero wala kaming personal na diskusyon; puro trabaho ang pinagtuunan namin. “Bianca, final draft na ba ito ng Lumivira presentation?” tanong ni Hamlet, habang tinitingnan ang mga chart at data sa screen. “Yes, everything’s ready. I’ve double-checked the dosage statistics and patient feedback. We’re set for the launching the next day,” sagot ko, pilit kontrolado ang boses ko. He nodded. “Good. I want the marketing team to emphasize life extension, pero make sure it’s clear na hindi ito a cure. Transparency is key.” “Understood. Everything’s factual and precise,” tugon ko. Hindi ko inalis ang mata ko sa kanya, pero hindi ko rin hinayaan ang damdamin ko na makita niya. Nagpatuloy kami sa discussion, tinitiyak ang bawat detalye, hanggang sa matapos ang lahat. Aalis na sana ako pagkatapos ng usapan namin, pero biglang tumigil siya at lumapit. “Dinner outside,” mahinang sabi niya, tila casual, pero may halong invitation. Parang date, naiisip ko. Ngumiti ako. Sa isip ko, niyaya niya ako ng date, after million years that were together. I really want to accept his invitation. After all, I never had a date with my husband. Ngunit may pumipigil sa akin na tanggapin ang imbitasyon niya. I remembet my sister Ylanna, mamaya palang 6 pm ang paglapag ng eroplano nito. “Hamlet… mamayang 6 pm, nakalimutan mo bang darating si Ylanna? Paano natin gagawin ‘yong dinner kung susunduin mo pa siya sa airport?” Napatingin sya sa akin. Biglang kumunot ang noo niya. Saka nagbago ang ekpresyon ng mukha niya. Hindi ako sigurado pero parang biglang sumama ang timplada ng mukha niya. "Fine." Pabagsak niyang sabi. "I can't do the dinner." Ibinalik na niya ang pokus sa dokumento sa harapan niya. Mukhang wala sya sa mood kaya umalis na ako. Ewan ko kung ano na naman ang ikinainis niya. Siguro nainis siya sa sarili niya dahil nakaligtaan niyang alahanin ang isa pinakamahalagang araw na ito sa buhay niya. Ang pagbabalik ni Ylanna. Aminado ako na alam ko na. Talagang pipiliin ni Hamlet si Ylanna kaysa sa akin. At iyon ang dahilan kung bakit ipinaalala ko sa kanya ang pagdating ni Ylanna— dahil ayaw kong umaasa ako sa isang dinner na kasama siya pero hindi naman pala mangyayari dahil bigla niyang maalala na darating pala si Ylanna. At wasak na naman ang puso ko dahil umasa ako sa wala. ------- Nakatayo ako sa laboratory, nakatingin sa maliit na kahon sa harap ko. Sa loob nito, nakalagay ang espesyal na tableta—dalawa lang ang ginawa ko. Isa para sa sample, para makita kong talagang tatalab ang epekto. Napatunayan ko na. Nagbayad ako para malaman ko lang kung tatalab talaga, hindi ako basta-basta magtataya sa bagay na delikado. Well, hindi naman ito harmful sa katawan ng iinom nito. Pinangalanan ko itong Somnirex, may halong mild neuro-stimulant at isang rare aphrodisiac compound. Ang twist? Parang nanaginip lang ang iinom nito. Sa panaginip, kasama nila ang taong mahal nila. Kahit sino pa ang kasama nila sa totoong buhay, ang mahal nila lang ang nasa isip nila. At kapag nawala na ang epekto, parang gigising lang sa panaginip—lahat ay normal na ulit, walang bakas ng panaginip, walang bakas ng droga. Sadyang perpekto ito para sa huling act ko kay Hamlet. I wanted to have a child. Hamlet's child. Hindi ito harmful kaya safe ang mag- conceive ng baby. Kapag sigurado na akong buntis ako, susunugin ko na lahat ng record at formula ng drug na ito. Delikado kasi ito kapag mapunta sa maling kamay. Hindi ako makapaniwala na makagawa ako ng ganitong druga. At baka pati si Hamlet, he didn't expect this. Kasi ang mahirap gawin ng iba, nagawa ko lang na walang kahirap-hirap. Mabigat ang dibdib ko habang kinuha ko ang tableta, iniikot-ikot sa palad ko, pinagmamasdan ang kinang ng kahon. Inilagay ko ito sa safe—secure, handa na. Ngayon, ang tanging hihintayin ko ay ang ovulation period ko. Pag sigurado akong may tamang timing, doon ko ito gagamitin. Later, I am going to execute my plan. Huminga ako nang malalim. Maya-maya bumukas ang pinto ng laboratoryo. Nakita kong pumasok ang sekretarya ko. “Ms. Bianca, may bisita po kayo. Your friend Cindy po." ------- Nasa loob kami ng opisina ko ni Cindy. Nakaupo kami sa maliit na receiving area—malambot na sofa, glass table sa gitna, at sa ibabaw nito ay dalawang tasa ng kape at tig-iisang slice ng cake. She's my visitor, inihatid nya ang mga naiwan kong gamit kagabi. “Grabe ka, Bianca,” sabi niya habang inaayos ang buhok niya, halatang enjoy. “Kung hindi pa ako ang nagkusang magdala nito dito, baka hanggang ngayon iniisip mo pa kung saan napunta ‘yan.” Ngumiti ako nang bahagya. “Thanks. Alam mo namang sabog ako kagabi. At saka nabigla ako sa biglang pagdating ni Hamlet." “Obvious,” sagot niya agad. “Pero wait—may chika ako.” Napatingin ako sa kanya. “Chika?” Tumango siya, halos kumikinang ang mata. “After mong umalis kagabi—like, kakasakay mo pa lang ng kotse—biglang may lumapit sa mesa natin.” “Who?” tanong ko habang humihigop ng kape. “Si Luke.” Napakunot ang noo ko. Luke? Parang pamilyar pero hindi buo sa isip ko. Napansin niya agad ang reaksyon ko. “Luke,” ulit niya, sabay tawa. “The handsome guy you flirted with and danced with last night.” Parang may biglang nag-click sa utak ko. Of course. Si Luke. Ang lalaking may tahimik na tindig at presensyang hindi kailangan ng ingay para mapansin. Paano ko nga ba siya nakalimutan? Ang dami ko lang talagang iniisip nitong mga oras na ito. “Really?” tanong ko, halatang na- excite. “Ano naman ang sabi niya?” “Kilig na kilig pa siya, ha,” sagot ni Cindy. “Hinahanap ka niya. Tinanong niya kung nasaan ka na.” Napataas ang kilay ko. “And?” “Sabi namin,” aniya sabay kagat sa cake niya, “kinuha ka na ng asawa mo.” Napatigil ako. “Ano?” Napalaki ang mata ko. “Bakit niyo naman sinabi na may asawa ako?” Tumingin sa akin si Cindy na parang ako ang may kasalanan. “Kailan ka pa nagsimulang itanggi ang halos perpekto mong asawa?” tanong niya. “The man you supposedly love. ‘Yong kinababaliwan mo? Don't tell me, hindi ka na proud na ipagsigawan sa mundo na asawa mo si Hamlet Montreal?" Napasimangot ako. Being Hamlet's wife. This won't take long anymore. Uunahan ko na si Hamlet bago pa niya mapagpasyahan na tapusin ang kasal naming dalawa. I can't save my heart but at least, I can save my pride. Hindi ako makasagot sa sinabi ni Cindy. “Well, honestly, " dagdag niya, “hindi rin naman kita masisisi kung bakit masyado kang inlove sa asawa mo. I mean, Hamlet Montreal?” Umiling siya. “Isa na ngang Montreal, may dugong Saavedra pa. Pinakamayaman sa bansa ang mga Montreal, at ang mga Saavedra naman—pinakamaimpluwensya, pinakamakapangyarihan.” Totoo. Isang Saavedra ang ina ni Hamlet. Isang apelyidong sapat na para manahimik ang kahit sinong kalaban. Marami ang hindi gugustuhin kalabanin ang isang Saavedra. Hindi ako nagsalita. Uminom lang ako ng kape at sumubo ng cake, kahit hindi ko talaga malasahan. Hindi ko rin alam kung ano pa ang sasabihin ko kay Cindy. Pero sa kabila ng lahat, may kung anong ngiti ang gustong sumilip sa labi ko nang maalala ko si Luke. Isang simpleng alaala, pero sapat para gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko. Biglang tumawa si Cindy, parang may naisip na kalokohan. “So sabihin mo nga,” pabiro niyang tanong, “ ang dahilan ba, that even though you are hurt, pero hindi mo maiwan si Hamlet is because....magaling siyang dumilig sayo. Babae sa babae-- sagutin mo ako. Busog na busog ka siguro sa dilig ni Hamlet, noh!" Napanganga ako. Talagang may pagkapilya itong si Cindy, actually silang friends ko. Hindi ako makasabay sa kanila noon pag ganito na ang topic dahil na rin sa wala akong experience. Well, kahit pa ikinasal na ako at may nangyari sa aming dalawa ni Hamlet ng isang beses, para pa rin naman akong walang experience. Tatlong taon na ang lumipas mula nung. Gets ko ang ibig niyang sabihin. Sa isip-isip ko, napailing ako. Anong dilig ang sinasabi niya? Kung alam lang niya ang totoo. Kung alam lang niya na kaya nga ako umabot sa puntong ito, that I plan to drug my husband —just so my withering flower could be watered, even just once.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD