Bone-deep tired.

1921 Words
------- ***Bianca's POV*** - “C’mon, Bianca. What is this silent treatment, huh?” Agad na sabi ni Hamlet pagkapasok namin sa loob ng mansyon. Nauna akong maglakad, paakyat na sana ako sa itaas nang napahinto ako dahil sa sinabi niya. Talagang hindi ko siya kinikibo simula pa kanina. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko siya hinarap. Hindi ko itinago ang galit na kumukulo sa mga mata ko. “What do you want me to do? Confront you? Tatanungin ka? Aawayin ka dahil hindi mo tinupad ’yong pangako mo sa akin? Then it’s my fault again. I’m the one being unreasonable. As always.” Pilit kong pinipigil ang galit ko, pero hindi ko magawa. “Anong hindi tinupad ang pangako ko? I came. Magkasama pa nga tayong umuwi, ’di ba?” “You came? You came when the party was over. Ginawa mo akong tanga.” Mas lalo akong nainis. He doesn’t want the silent treatment? Then fine. He wants war? I’ll give him war—and I won’t be the one losing. “I still came, Bianca. Hindi ko naman sinabi kung anong oras ako darating. Ang mahalaga, dumating ako. At saka sinasabi ko na sa ’yo na may mahalaga akong—” “Yes. Urgent and important. I wonder kung gaano kahalaga ang regalo mo para kay Ylanna at kailangan mo pang personal na puntahan. Let me guess— a mansion made of gold? Tama ba ako?” Napanganga siya, halatang hindi inaasahan ang sasabihin ko. “So important… na nakalimutan mo ang pangako mo sa akin. Sabi mo, once I close the deal with Mr. Smith, pagbibigyan mo ako ng isang kahilingan. You’re lucky I never asked for your love. I knew it was impossible for you to give me something that real. So I asked for something simple—na samahan mo ako sa party na yon. Pero hindi mo man lang ako mapagbigyan ng tama.” Hindi ko maitago ang sakit sa tinig ko, kahit pilit kong pinapanatiling matatag ang tingin ko. “Umasa ako. Umasa ako sa wala. Pinahiya mo ako sa mga kaibigan ko. You—” “Hindi ko kasalanan kung napahiya ka, Bianca. Ikaw ang proud na proud. Ikaw ang gustong ipagmalaki sa lahat na okay tayong dalawa, na pwe—” “What’s the problem with that, Hamlet? You are my husband. Karapatan kong ipagmalaki ang pagiging mag-asawa natin.” Putol ko sa sasabihin pa niya. Tumataas-baba ang dibdib ko, pero agad ko ring kinalma ang sarili ko. “Anyway, useless na rin pag-usapan ang nangyari. But one thing’s for sure, Hamlet— you disappointed me.” Dinidiin ko ang bawat salita. Mas lalo siyang napaawang ang labi, pero mabilis ding nakabawi. “I disappointed you?” Halos hindi siya makapaniwala. “Are you not going to ask me how much you disappoint me? How many times you disa—” “No need, Hamlet. I know very well that I’m just a disappointment to you. Lahat ng ginagawa ko, malaking disappointment sa ’yo. Sa tingin mo mabibilang mo pa kung simula pa lang, I disappoint you a lot?” Hindi ko na hinintay pang makasagot siya. Tinalikuran ko siya at tuluyang iniwan. “Bianca! Bianca! Hindi pa tayo tapos mag-usap!” Paulit-ulit niya akong tinatawag, pero hindi ko siya nilingon. Bahala siya. Annoying. Sobrang annoying. Gusto niya akong manahimik. Pero kapag tumahimik naman ako, nagagalit. May saltik talaga sa utak ang Hamlet na ’yon. ------ “Ma’am Bianca, regalo po ito para sa inyo mula kay Sir Hamlet,” sabi ng personal assistant ni Hamlet. Kasalukuyan akong kumakain ng agahan—mag-isa—sa napakalaki at mahabang lamesa. Nakatitig lang ako sa sandamakmak na pagkain na nakahain, halos hindi ko man lang nagagalaw ang karamihan. Ganito lagi ang umaga ko. Hindi lang pala umaga—buong araw. Kumakain akong mag-isa sa napakalaking lamesa na puno ng iba’t ibang pagkain, lahat nakahanda para sa akin. Hindi ito basta-basta mga pagkain; parang araw-araw nasa isang mamahaling restaurant ako. May sariling chef din kasi kami. Lumaki ako sa marangyang buhay. Bilyonaryo ang mga umampon sa akin. Pero mas ipinaramdam ni Hamlet kung gaano karangya ang buhay ko sa piling niya. Nakakalungkot lang… I don’t feel that I am happy. At ngayon, mas lalo kong nararamdaman na hindi talaga ako masaya. Tumingin ako sa PA niya nang ilapag niya sa harap ko ang isang kahong alam kong alahas na naman ang nasa loob. Napagtanto siguro ni Hamlet na siya naman talaga ang may kasalanan sa nangyari kahapon—kaya heto na naman, may regalo. At sigurado akong milyon na naman ang halaga. Kinuha ko ang box at binuksan iyon. Tumambad sa akin ang isang rare Argyle Pink Diamond Necklace, tinatayang nasa 10–15 million ang presyo. “Iyan po ay Pearl in Lost Ocean Necklace, ma’am. Lima lang ang meron niyan sa buong mundo. It’s unique and one of its kind,” paliwanag ng PA. “Thank you. You can go,” tanging sagot ko. Walang ngiti. Nanatiling seryos at nakaka- intimidate ang aura ko. Typical Hamlet— he showered me again with an expensive material thing. Para bang gano’n lang kadali akong mapasaya. Mahilig ako sa alahas, oo. Mahilig ako sa mga luxury things—aminado ako. Pero kahit gaano pa kaganda at kamahal ang nasa harapan ko ngayon… bakit parang hindi na ako masaya? Hindi katulad ng dati. Parang hindi na sapat ang mga bagay na may kinalaman sa luho para mapasaya pa ako sa pagsasama na ito. Gusto ko ng isang bagay na walang katumbas na presyo. I want a child with the man I love. I want a child with Hamlet. But how is that even possible when he can’t bring himself to touch me? To lie beside me? To show me even the smallest affection? How do I make him----- want me? Just for one night. A one night with him. Saka ko na ito isipin. Siguro naman makaisip pa ako ng paraan. After all, matalino ako. Huminga ako nang malalim at tumayo. Pupunta ako ngayon sa laboratory upang i-check ang latest development ng produktong ila-launch ng HelixCore Pharmaceuticals. Malaking proyekto ito—hindi ordinaryong gamot. Isa itong cancer-support medicine para sa mga pasyenteng kasalukuyang nasa chemotherapy. Hindi nito ginagamot ang cancer mismo, pero nakakatulong itong pahabain ang buhay nila. Naaprubahan na ng FDA ang samples. At ang produktong ito—akin. Ako ang nag-develop. Ako ang lead chemist ng HelixCore Pharmaceuticals, ito ang pangalan ng kompanya ni Hamlet. Pero bago ako pumunta sa laboratory, dumaan muna ako sa kompanya ni Hamlet. I just wanted to see how he’s doing—gaya ng palagi kong ginagawa. Wala si Mrs. Espinosa sa cubicle niya. Siguro may pinuntahan o nasa restroom. Kaya napagpasyahan kong dumiretso sa opisina ni Hamlet. Pero tulad ng huli, napatigil na naman ako sa pinto. This time, si Graham ang nakita kong kausap niya—at halatang tungkol sa akin ang pinag-uusapan nila. I wonder kung ano ang pwede nilang pag- usapan tungkol sa akin. “This is the last time I’m telling you, bro. Some advice, bago pa maging huli ang lahat at magsisi ka sa bandang huli.” Malalim at mariin ang boses ni Graham. “Take care of your wife. Treat her the best way you can. Before she gets totally tired of you.” Napaurong ako sa narinig ko kay Graham. Siguro ang sinabi niya ay bunga ng kwentuhan namin kahapon. Tutuloy na sana ako sa pagpasok, dahil ayaw kong ituloy pa nila ang usapan, nang marinig ko ang boses ni Hamlet. “Don’t intervene with our relationship, asshole. I treat her well. I pamper her with all the material things she has now. She’s happy with my money—hindi mo ba nakikita? At kahit ibinigay ko halos lahat sa kanya, still… she’s always making trouble.” Ano raw? So tama ang hinala ko. Sa tingin ni Hamlet, pera lang talaga niya ang magpapasaya sa akin. Na parang wala akong sariling pera. At saka… ako pa ang gumagawa ng trouble? “Money?” Napahagikgik si Graham—hindi tawa ng tuwa, kundi tawang may pangungutya, parang hindi makapaniwala sa katangahan ng kakambal niya. “Even without you, Bianca still has money. She’s a legal Montenegro. Her parents drowned her in luxury. Kung pera lang ang nagpapasaya sa kanya, then why the hell would she bother with you? I can give her more. I can love her better. And she’s rich, too.” Umigting ang panga ni Graham, nanlilisik ang tingin. “You know she loves you, damn it. Pero kahit katiting, hindi mo man lang sinubukan suklian ‘yon—hindi gamit ang pera mo, kundi yung affection na kinakailangan niya. ’Yan lang naman ang hinihingi niya. Ikaw lang.” Huminga siya nang malalim pero halata ang galit sa bawat salita. “At saka trouble? For once—just once—sinubukan mo na bang pakinggan siya bago mo agad inisip na problema na naman siya? Na gulo na naman ang dala niya? She’s hurting, Hamlet. And you didn’t even bother to look.” Ramdam ko ang init ng galit ni Graham. At sa tingin ko, isang maling salita na lang, susuntukin na talaga niya ang kapatid. Papasok na ba ako bago pa sila magsuntukan? Wait muna---- kailangan ko munang marinig ang sasabihin ni Hamlet. “Umalis ka na. Huwag kang makialam sa amin.” Dumagundong ang boses ni Hamlet, puno ng yabang. Nang napasilip ako muli, nakita ko kung gaano kasikip ang pagkakakuyom ng kamao nilang dalawa—parang isang maling hinga lang, sasabog na ang opisina. “And—move on, asshole!” bulyaw ni Hamlet, halos lumalabas ang ugat sa leeg. “Bianca is my wife now. Wala ka nang pag-asa. Zero. Finished.” Humakbang pa siya palapit, nagmamatigas. “The truth is... I was willing to give her to you— I don’t mind. Pero siya ang ayaw sa ’yo. Gets mo? Siya. Ayaw niya sayo.” Napangisi siya, mapanakit, mayabang, nakakainsulto. “And I know… I damn well know… she loves me very much. Hindi niya kayang mabuhay nang wala ako. She won’t leave me. She won’t get tired of me.” At doon na kumuyom ang kamao ko. Parang may humampas nang mariin sa dibdib ko. Sobrang bigat. Bweset ka, Hamlet! Kaya mo lang pala akong ipamigay. Hindi mo pinahalagahan kahit katiting ang pagmamahal ko sayo. Masakit ito, parang hiniwa ang puso ko sa sakit. Hindi ko napigilan ang luha ko. Tumulo agad iyon. Pero mabilis ko ring pinunasan. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang nagwawasak na sarili. So that’s what he really thinks—that I can’t walk away. That no matter how badly he treats me, I’ll never grow tired of loving him. Well, he’s mistaken. He’s dangerously mistaken… because I’m tired. Bone-deep tired. Imbes na pumasok, humakbang ako palayo. Wala akong pakialam kung magsuntukan silang dalawa. Mga grown men sila—bahala sila. Kung tutuusin, mas gusto ko pang mabigyan ni Graham ng maraming black eye ang gago kong asawa. Mas malakas naman si Graham—halata, marunong pa ito ng karate. Kalma lang, Bianca. Hindi pwedeng ikaw ang talo sa bandang huli. Siguraduhin mong masaktan mo rin si Hamlet—hindi man puso niya, pero pride niya—bago ka mag-disappear sa buhay niya. Paalala ko sa sarili ko. Mariin. Hamlet… I hate you. You played with my feelings. Now? Sisiguraduhin kong ma-stress ka muna sa akin bago ako mawala sa mundo mo. Gago ka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD