Gusto na sanang umuwi ni Maximus kinabukasan ngunit pinigilan siya ng dalaga dahil sa kondisyon ng kaniyang katawan. Nakiusap ito sa kaniya at pumayag naman siya. Dalawang gabi siyang nagtiis at tinikis ang sariling emosyon at ang nag-iinit niyang katawan. Halos nangangalumata siya dahil hirap na hirap siyang makatulog sa loob ng mga gabing iyon knowing that she was just next to him. Sa tuwing nag-iinit ang kaniyang katawan, lumalabas siya ng kubo kahit na hatinggabi na. Babalik lamang siya kapag napapawi na niya iyon. Ngunit ang lahat ng ito'y matatapos na din dahil babalik na sila ng Maynila. Sinamahan sila ni Mang Barak na makababa sa bundok nang araw na iyon. Doon lang nila nalaman na nasa kabundukan pala sila ng Benguet. Nagpaalam sila sa matanda at nangakong babalik sila doon kung m

