Si Blake, ay mas nagiging malambing at over protective sa'kin. Baka mamaya ay bigla na lang n'ya kong pagsawaan. Biglang natakot si ABC sa ganoong isipin ngunit kailangan niyang tanggapin ang pagsapit ng araw na 'yon. Nirereview ni Blake ang budget para sa project at si ABC naman ay ngdedesign ng houses na nababagay sa low-cost housing. May nagawa na siyang tatlong disenyo at dumating na din ang revision para sa piping lines na mas maganda kaysa sa nauna at mas makakatipid. Ang kagandahan kasi ng lugar ay malinis at madaming likas na yaman ang ilog. Napreserve ito ng mga namumuno at sisiguraduhin din nila na kahit may mga nakatira na ay mananatiling yaman ito ng San Antonio. Nauna na nilang ginawa ang dike na magsisilbing proteksyon ng mga tao, sinigurado din ang tibay ng tulay at nagla

