Habang papunta sa opisina ay masayang masaya ang pakiramdam ni ABC gawa ng kalokohan nya, pero hinde nya alam ang magiging dulot ng kapilyahan niya. Una, nakuha niya ang bag na sobrang gusto niya at pangalawa alam niyang naasar niya ang lalaking kausap kanina, lalaki nga ba o bakla? Napapabungisngis ang dalaga sa isiping yon. Maagang dumating ang dalaga sa opisina. 2:00 p.m. ang meeting pero ala-una pa lamang ay nagpapark na siya. Walang tao dahil Saturday ngayon at sa Monday ang interview n'ya sa Monteza Construction bilang Archietect. Sa ngayon susubukan muna n'ya ang deal na kailangan ng Del Fuego. Kailangan niyang galingan para makuha ang deal na ito kaya nagpunta na din siya ng ladies room to change her outfit. Kahit out of style ay inilipat n'ya ang wallet at cellphone sa bagong ba

