"Hindi ka ba nabo-bored dito?" bulong ni Nolan habang nakatingala ako sa pader ng puro litrato. His arms circled my waist and he pulled me closer. "Kanina ka pa nakatingin sa mga 'yan. Dahan-dahan lang, baka matunaw na." "Wala akong powers na kagaya no'n," I chuckled. "Anyway, bakit naman ako mabo-boring? Ang ganda kaya rito. Ang laki ng bakuran n'yo, tapos puro tanim pa. Dito naman sa loob, napakamoderno. Ikaw ba ang nag-design nito?" "Well, in a way," sabi niya at nagkibit-balikat. "I'm no interior designer but with the help of the latest application installed in my computer, I was able to put the things in their respective places." "Wow, ang galing naman." Napako ulit ang paningin ko sa larawan, particular sa malaking larawan sa gawing itaas. Hindi na siya masyadong colored pero napa

