Ayoko sanang sumama sa team building! Mas gusto kong magmukmok na lang sa bahay at humiga nang buong araw. Ni wala akong ganang makipaglaro kay Tony kasi lagi niyang katabi sa sofa si Iron Man. The lifeless giant action figure was okay. Ang problema, 'yong nagregalo n'yon ang naaalala ko. Gusto ko muna siyang kalimutan kahit ilang lightyears lang. Pero kahit saan ako tumingin, kahit anong ginagawa ko, siya pa rin ang naaalala ko. Ngayon, sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong umatend ng team building. Sumama kasi ang mga intern naming menor de edad. Tapos kasama ang mga empleyado kong karamihan ay binata. Baka magkaproblema pa ako sa mga batang ito. Narinig ko pa namang may gusto ang ilang tauhan ko sa mga dalagitang 'yon. Hindi nila alam, napakahirap ng office romance. Ako ang nangun

