Pagbaba ko sa grand lobby, nakita ko kaagad na kumakaway si Betty sa malayo. Hindi ko na kailangang lumapit pa kasi sa isang iglap lang, nasa harapan ko na siya at itinaas sa mukha ko ang shopping bag. "O, heto, pair of payjamas, shirt, and undies." "Salamat." Kinuha ko ang pinamili niya at binuksan. I frowned, spotting an item that wasn't part of my list. "Loka-loka ka, bakit may lingerie dito?" "Matutulog ka sa condo unit ni Nolan, 'di ba? Kaya bagay na suotin mo 'yan." I looked around and glared at her. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na pinilit ako ng nanay ni Nolan na dito matulog. Siya ang tatabihan ko at hindi si Nolan!" She folded her arms and shrugged her shoulders. "Well, mabuti na ang handa. Just in case na palipatin ka niya, at least naka-sexy outfit ka na. Or much b

