Akala ko, kilala ko nang lubos si Nolan. I never thought this handsome and smart-geeky man with a big heart had deeper struggles, deeper past. Hindi ko pa alam kung anuman 'yon. Pero naramdaman ko lang no'ng niyakap niya ako nang mahigpit. I dared to asked him but he wouldn't tell me. Ang sabi lang niya, isa 'yong problema na labas ako, na wala akong magagawa. Dahil siya, wala rin daw magawa. He made me worried sick for him… a lot. "Girl, mukhang ang lalim yata ng iniisip mo diyan." Siniko ako ni Betty kaya bumalik ang isip ko sa kasalukuyan. "Cosmo magazine 'yang kaharap mo, pero sa timpla ng mukha mo, parang ma-drama na pocketbook ang binabasa mo. Okay ka lang ba?" Hinintay ko na matapos ang babaeng nagmamasahe sa buhok ko. At saka niya binalutan ng tuwalya at nag-excuse muna. Babali

