CAMILLA's POV ♛♕♛ Lumapit siya sa pwesto naming dalawa ni Amon at alerto namang humarang si Amon sa harap niya na kinagulat ko. "Hu? Alam mo ba kung sino ako?" Tanong ni Lev sa kaniya at napatayo na ko sa kinauupuan ko at inaway silang dalawa bago pa magdulot ito ng iringalan sa pagitan nila. Hinawakan ko ang braso ni Amon upang pakalmahin siya dahil hindi ako sigurado kung mapipigilan niya ba ang galit niya lalo na ang paglabas ng totoong kaanyuan niya. "Lev, bago lang siya rito at kakapasok niya lang ngayon umaga, pinadala siya ni Duke Viggo galing border para may katulong ako sa aking pagbalik bilang Viscountess," paliwanag ko at nakita ko kung pano masamang tignan ni Lev ang pagkakahawak ko sa braso ni Viggo. "At kailan pa kayo naging ganu'n kalapit ng Duke para magbigay siya sa

