CAMILLA's POV ♛♕♛ Nagising ako sa amoy nang mabangong luto ng umagahan, minulat ko ang aking mata at kinuskos ito sabay hikab. "Magandang umaga po lady Camilla," bati ni Annie habang inihahanda ang umagahan ko sa lamesang nakatapat sa balkunahe. Binuksan niya ang malaking bintana para pumasok ang preskong hangin mula sa labas at ganun na rin ang sikat ng araw. Napangiti ako at agad na bumangon kaso hindi ko maitatanggi ang sakit ng aking katawan dahil sa ginawa namin kagabi ni Amon. "My lady, mukhang maganda po ang gising niyo ngayon umaga," bati sa 'kin ni Annie habang tinutulungan akong maghugas ng aking mukha sa harap ng salamin. "Hu? Pano mo naman na sabi iyan?" Tanong ko sapagkat nakakapagtaka naman talaga dahil anong oras na nga ako natulog kagabi dahil sa pagpupuyat naming dal

