*ASHLEY* Kinabukasan pagkatapos naming maglinis ng mga tirang imisin napagpasyahan kong ipasyal ang kambal. Tumanggi si Mama na sumama dahil maglilinis pa daw siya ng mga tirang kalat sa loob ng bahay. I just want to spend some time to my twins bago ako pumunta ng Maynila para bisitahin ang bahay namin doon. Naka-one month vacation ako at hindi muna ako tumatanggap ng project habang hindi pa natatapos na maayos ang iba kong papelis para sa pag transfer ko dito sa Pilipinas. May 1 month pa kasi akong natitira bago matapos ang kontrata ko sa England kaya hinihintay ko muna na matapos 'yon. “Ganda, saan po tayo pupunta?” tanong ni Sky sa akin habang hinihila ng ilang beses ang laylayan ng aking damit para matuon ang atensyon ko sa kanya. “Papasyal tayo sa Mall. Bibili tayo ng mga damit

