Ginawa nito ang lahat para pakalmahin siya kaso masyado siyang naging emosyonal sa isipin na baka nga tumaas lang ang kagustuhan niyang humingi ng atensyon kay Ryuku dahil sa mga nakalipas na araw ay talaga namang ipinapamukha nito sa kanya na hindi talaga siya nito kilala. If there's a person na pasasalamatan niya ngayon para malaman ang totoo iyon walang iba kundi si Kai. Kai called her earlier ng muli niyang subukan na buhayin ang cellphone ng maicharge niya at dahil doon tila nawendang siya sa nalaman niya dahilan para walang paalam siyang nag punta ng dalampasigan. “Please, give me some time proving to you that I'm saying the truth.” pagsusumamo nito sa kanya at bakas sa boses nito ang paki-usap nang subukan ulit nitong magpaliwanag sa kanya. Hinawakan ulit ni Ryuku ang mga kamay

