*ASHLEY* Kai: I'm on my way, drunk girl. Pagkabasa ko sa txt ni Kai nataranta akong humarap sa malaking salamin para suriin ng paulit-ulit ang suot kong dress. Hindi naman mukhang magarbong dress ang napili kong suotin. Maging mukhang desente lang akong tignan ay ayos na 'yon. Nginitian ko pa ng mapait ang aking sarili habang inaayos ang aking buhok. Buo na ang aking desisyon at kung ano man ang mangyari mamaya at kung ano man ang matunghayan ko sa party na 'yon buong lakas kong hinahanda ang aking sarili. Haharapin ko ang lahat mg kahihiyan na pweding mangyari mamaya. Malay ko ba na baka may patibong na hinahanda si Ryuku bilang pag gante sa akin. “Dahan-dahan lang sa pag drive boyfriend!” naisipan kong replayan si Kai dahil ang totoo gusto ko lang naman malaman kung nasaan na siy

