*ASHLEY* “You can hide everything from them but you... can't hide it from me, Ash.” seryosong panghuhuli sa akin ni Che. Napayuko ako at kabadong pinisil-pisil ang aking mga daliri dahil sa katakutan na masumbatan na naman ako ni Che. She is my best friend. My crying shoulders at karamay ko sa lahat ng mga paghihirap na dinadanas ko noon---hanggang ngayon. Biglang nanubig ang aking mata at basta nalang ako napasinok dahil sa tinatago kong paghikbi. “Shucks, Ashley!” natatarantang lapit sa akin ni Che bago hinagip ang aking mga kamay na unti-unti na palang nanlalamig dahil sa kaba. Mas lalong umagos ang aking mga luha dahil ramdam na ramdam ko ngayon kung gaano ako kinukwestiyun ng aking sarili dahil sa isang desisyon ko na namang ginawa. “Sorry, Che...S-Sorry...” garalgal kong sabi ka

