FUTURE 2

1303 Words
Skylar "Sky! Anak! " sinaksak ko kaagad yung charger ng laptop ko bago kumaripas pababa ng kwarto ko. "Ano yun nay? " agad kong tanong. "Etong tatay mo, ang kulit kulit! " tinulungan ko siyang buhatin si tatay at inupo sa sala. Agad akong kumuha ng tubig sa kusina at pina inom ito kay tatay. "Ano po bang nangyari? " "Sabi ko diyan sa tatay mo, dumito na lang sa bahay at huwag na mamasada ng jeep dahil pa ika ika na ang lakad. Pagkalabas ko papunta sa jeep at handa nang mamasada kaso nga lang natumba, naglakad ulit at natumba nanaman! Susko po maryosep Gill! "Hindi ko alam kung matatawa ako kay nanay o maaawa kay tatay dahil ang mukha niya ngayon ay parang aping api. "Tay naman, mag pahinga ka naman. " sabi ko dito. Napa buntong hininga siya at napa hilamos ng mukha. "Kailangan ko mamasada anak para sa kuya mo, aba nauna pa kayo ni Skyell grumaduate ng kolehiyo. " "Kung hindi lang dahil sa bwisit na kumpanya na yan edi sana maginhawa tayo at pati kuya mo naka graduate na, tumatanda na yang kuya mo oh! " hinagod ko yung kamay ko sa likudan ni tatay at napa buntong hininga. Isang manager si tatay sa isang company noon, si nanay naman ay may flower shop hanggang ngayon. Bumagsak at nalugi noon ang kumpanyang pinag tatrabuhan ni tatay, bukod doon ay nakasuhan pa ang may ari kaya tuluyan nang nawala. Yung business naman namin ay nalugi na din kaya nawala na saamin noon pa. Hindi na naka pasok si tatay sa ibang kumpanya gawa ng katandaan na niya din kaya napag desisyunan niyang bumili ng jeep at siya na ding nag drive nun. Sa nangyari medyo nagtitipid na din kami dahil hindi sapat ang pagmamasada ni tatay, hindi din masyado mabili ang mga bulaklak ni nanay dahil wala namang bumibili pag walang okasyon. Bilang panganay napilitan si kuya tumigil at mag trabaho muna, inuna niya kami. Nakatapos naman si kuya ng isang course, isang pre med course kaya naging science teacher muna siya. Laking pasalamat din namin ay nakapasa siya sa board exam at naging license teacher din. Nag aral siya ulit sa med school kaso tumigil din pag sapit ng 3rd year niya dahil magastos bawat sem pati na din mga libro niya, naging teacher ulit siya at pinatapos muna niya kami. Magastos din kasi ang law at architecture. Ngayon naman na tapos na kami ni Skyell, si kuya naman ang pag aaralin namin. Pinag papatuloy niya ngayon yung 3rd year niya. "Gill, kami na ang bahala kay Slynn. Kung gusto mo e, saakin ka tumulong kung na bobored ka dito. Ikaw mag deliver ng mga bulaklak ko. " sabi nanay na ikinatango ko. "Oo nga tay, benta mo yung jeep tapos bumili ka motor. " suggestion ko na ikina iling nilang dalwa. "Ay nako hindi! Delikado ang motor, mag Trysikel ka na lang. " sabi ni nanay. "Ay nako hindi din! Hindi ko iyon ipagbibili, nay sentimental value na saakin yun. Ayun na lang ang gagamitin ko sa pag dedeliver. " Sumang ayon na lang ako para wala nang away. "Naka pasok na ba si kuya Slynn at Skyell? " tanong ko dahil kami na lang ang naandito. "Ang kuya mo, oo. Si Skyell naman ay ayun oh. " turo ni nanay sa babaeng pababa ng hagdan, g**o g**o ang buhok niya, parang zombie kung maglakad at medyo naka pikit pa ang mga mata nito. Tumabi siya saakin at humiga sa lap ko. "Hoy, bat ngayon ka lang nagising? " tanong ko saka pinitik yung ilong niya. Hinipo niya yung ilong niya saka iyon hinilot. "Napagod ako sa trabaho, parang may training ground din si Mrs. Savedra e. " Bored na sabi ni Skyell, para bang ang lakas ng impact kina nanay at tatay yung pagka banggit ni Skyell nung 'Mrs. Savedra. ' "Mrs. Savedra? " masungit na tanong ni tatay. s**t, kasal na pala si Cassie Savedra at Archi. Tyra Tuaxon na boss ni Skyell. "Yaaah, asawa ni Cassie Savedra yung boss ko. " kinusot kusot ni Skyell yung mata niya bago bumangon at nag unat. "Parehas silang babae? " tanong ulit ni tatay, bakit ako nakakaramdam ng kaba? Dahil ba nagkaroon ako ng girlfriend dati at nahuli kami nun ni tatay o dahil ang mga Savedra ang napag uusapan? "Opo tay, buntis nga si Mrs. Savedra e. Napunta din lagi doon asawa niya para sabayan mag lunch, kamustahin at ihatid sundo. Ang sweet nga nila e, bagay na bagay sila. " nakangiting sabi ni Skyell, halata naman sakanya na ina admire niya yung dalawa. "Buntis? Pano naman? " "Nay, Tay. 2018 na, Iba na ang nagagawa ng teknolohiya ngayon. " paliwanag ni Skyell habang tumayo para mag toothbrush. "E sino ang tunay na ina? " pahabol na tanong ni tatay, pasimple akong tumawa pero si Skyell naman ay humagalpak sa kakatawa. "Hulaan ko, yung boss mo Skyell! " hula ni nanay. "Nay, Tay. Parehas silang tunay na ina kaya please ma napaka innapropriate ng tanong niyo ha. " Magtatanong pa sana sina tatay at nanay pero inunahan na namin ni Skyell. Tumayo na ko at nag ingay, nakipag harutan na din ako kay Skyell. "Ang kulit kulit niyo talagang dalwa! " tumingin kami ni bunso sa sala at nakita si kuya Slynn na naka uniform. "Kuya? Kala ko nakapasok ka na? " "May nakalimutan lang ako. " "Ano yun? " tanong namin. "Yung good luck hug ko. " napatawa namin kami at sinugod siya ng yakap. "Salamat kuya Slynn sa mga sakripisyo mo. " "Salamat talaga kuya, may lawyer ka nang kapatid at Architect. " sabi ko saka ngumiti, tumawa naman siya at bumitiw na. "Hindi lang yun, nasa sikat at nangunguna pa yung company na pinasukan niyo. Ang mga Demonteverde at Savedra. " makahulugang sabi ni kuya Slynn. Napa iling na lang ako at piningot siya. Ayoko na ibring out yun, ang past ay mananatili na lang dun. "Sige na Doc, bilsan mo na baka malate ka pa! " "Oo nga, Dr. Slynn Grayson Altamira! " "Ayan ang gusto ko sainyo e! " tumawa naman kami saka yinakap siya. Sana nga lang ay makakuha si kuya ng scholarship para hindi na mangamba doon si kuya. Simple lang yung buhay namin, masaya naman kahit medyo nag hihirap kami. Nasosolusyunan naman namin iyon ng sama sama kaya heto kami ngayon, onti onti nang bumabangon sa kahirapan. Mananatili pa rin kaming simple kahit na may abogada na, may architect na sina nanay at tatay. Sa susunod ay may doctor na din sila. Sana maging ganito kami sa susunod pa na araw. Tahimik, simple at nag mamahalan. "Ate, magkita daw kayo ni kuya Kevin bukas. " sabi saakin ni Skyell habang nag susuklay. Tinignan ko siya at nag taas ng kilay. "Bakit daw? " "Ewan, siguro nasaktan nanaman. Pangalwang beses na siya na declined e. hindi na maka urong at hindi na siya maka level up sa pwesto niya. " natatawang sabi ni Skyell. Kung gaano kabilis ni Kevin makarating sa pwesto niya ngayon ay ganun naman kabagal ang pag promote niya. Hindi kasi lagi approved yung promotion niya. Gustong gusto na niya maging boss ng line niya or makasama lang daw sa BOD. "Nag mamadali din kasi si Kevin. " iiling iling na sabi ko at nag focus na sa laptop ko, Arch. Kevin Gonzalez. Boyfriend ko ng 3 years at naging kaibigan ko simula nung highschool. Nakatanggap ako ng email galing kay Atty. Ashton na boss ko. Pang lahatan ang email niya ngayon. From: Atty. Ashton Demonteverde I have important to do tomorrow, no one will call or text me. Meetings and checkings of cases will be held on the other day. Thank you and God bless. Hmmm. Wala si boss bukas, bakit kaya? ––
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD