Skylar "Bunso! Baby, okay ka lang? " agad kong tanong ng makapasok ako sa isa sa mga kwarto ng hospital saka dumiretso sa anak ko na naka higa. Nasa office ako kanina lang at pinag aaralan yung bagong cases na binigay saakin, bubuklatin ko pa lang yung folder ay yun naman ang pag tawag saakin ni kuya Slynn. Si kuya Slynn ay isa nang Doctor dito sa pinagdalhan ng school kaya agad niyang nalaman at tinawagan kami. "May masakit ba? Anong nangyari? " tuloy tuloy kong tanong habang yakap yakap siya, tinignan ko si kuya Slynn na naka tayo din kasama ang kambal na naka uniform pa. "Bigla daw nahimatay si Kaiser sa klase pero bago yun, nahihirapan na daw siya huminga at nasakit ang ulo kaya imbis na sa clinic ang punta. Sinugod agad sa hospital. " pagpapaliwanag ni kuya pero agad akong hinigit

