Skylar Having three kids is kinda happy pero hindi mo maiiwasan na ma i stress sa kakulitan nilang tatlo, lalo na kapag lagi silanh nag babangayan at nag aaway. Wala silang pinapalampas na oras, araw at lugar, hindi ata ma kokompleto yung araw nila pag hindi ginulo ang isa't isa. Pag tahimik ang isa, guguluhin naman ang isa, ganun sila lagi. Lalo na yung dalwang lalake ko na laging naglalaro ng pisikalan. Sumbong dito, sumbong doon, bangayan diyan, hay nako mga anak ko. "Clay, stop bugging your sister. " pagbabanta ko sakanya na ikina gulat niya at tinuro pa ang sarili. Nananahimik kasi so Chloe habang nag babasa ng libro at yung dalwa ay naka gitna sakanya sa sofa, naririnig ko naman yunh inis no Chloe na hinahampas na din ng libro niya yung dalwa. "What? It's not me, si Kaiser yun. "

