Skylar
Lumipas ang isang linggo ay puro test at exam lang ang ginawa kay tatay, tinitignan kung nasa tamang kalagayan ba siya para operahan.
"Okay naman po yung results ngayon, sumusunod siya sa tamang tulog, kain at pag inom ng gamot. Wala ding stress for him this week and that's good. Pwede natin siyang operahan Monday to Friday pumili lang kayo. " sabi ni Caela i mean Doctora Caela saamin mag kakapatid pati na din kay nanay.
"Doc, pwede po ba saka na siya operahan? " tanong ni nanay na ikinag tataka namin.
"Nay, bakit? " tanong ni kuya.
"e wala tayong sapat na pera, anak. "
"Nay, okay lang yun. May trabaho kami ni Skyell, may tulong din financially galing sa baba saka pumayag naman sila na onti ontiin e. " pag papaliwanag ko.
"Yes po, may tulong din from HR dept and... I can help din po Mrs. Altamira. " sabi ni Doc Caela na ikinatanggi agad naming lahat.
"Hindi hindi na, wag na Caela nakakahiya. Sapat na yung pag papaaral mo kay Slynn, sobra sobra na yung tulong mo saamin. " sabi ni nanay na ikina sang ayon namin lahat kaya wala na siyang nagawa, sasabihin na lang namin kung kelan isasagawa yung operasyon pag naka usap na namin si tatay. Umalis na sina kuya Slynn at nanay. Nag patira ako dito sa office ni Caela kung saan siya nag sasagawa ng general check up and consultation. Pagkasara na pagkasara ng pinto ay humarap ako kay Caela na nakatayo din na may bahid na pagtataka. Lumapit ako dito kaagad at yinakap ito.
"Thank you, Caela. " buong pusong sabi ko dito, sa loob ng isang linggo ay siya lang ang naging kausap at karamay ko. Hindi pa din kasi nabalik si Kevin, galing probinsiya. Tumingin ako dito na nakatulalang nakatitig saakin habang nakayakap pa, nakita ko ulit sa mga mata niya yung dating Caela. Yung dating makulit, loko loko, masiyahin na Caela lalo na yung pagmamahal niya saakin pero hindi din iyon nag tagal. Nawala lahat yun at bumalik sa dati na, napaka cold ng tingin at galit sa mata.
Sa totoo lang ako dapat ang magalit dahil hinalkan niya ko nung isang linggo pero dahil nakita ko yung dating Caela nung mga teenager pa lang kami, nawala yun at nag laho na parang bula. My heart still longing for Caela, for us. Hindi ko yun maitatanggi pero huli na at dati pa yun. I should moved on.
"No problem, that's my job. " humiwalay na ko sa yakap kasi ang awkward, bukod doon ako lang ang yumayakap. Napalayo ako lalo ng may pumasok na isa pang doctor, eto ata yung matalik na kaibigan niya.
May mapaglarong ngiti sa labi niya saka lumapit saamin at may binabang papeles sa table ni Caela.
"Uhm sorry kung naka istorbo ako. "
"Just tell whatever you want to say, Madel. " masungit na sabi ni Caela saka naupo sa upuan niya.
"That's the famous athlete and archer Jasmin Domingo, she wants you to be her Doctor. "
"Jasmin? Yung nanginginig yung kamay? " tanong ni Caela habang tinitignan yung mga papeles.
"Yup, and i think hindi yun basta nginig ng kamay kaya i suggested her to do a check up–"
"Wait, wait. Kilala mo siya? " pag pigil ni Caela habang nakatingin na siya kay Madel.
"Yes, kaibigan siya nung ka fling ko why? " takang tanong niya.
"Well, she is Camilla's little idol. " simpleng sagot ni Caela habang naka tutok nanaman sa mga papeles, jusko ho paano ba makalab ng room na ito parang nakalimutan na nilang naandito pa ko.
"Ohh that's nice kaya galingan mo Doc sa pag check up sakanya, i think may mali talaga sa panginginig niya ng kamay. " pilit niyang inuulit yung panginginig ng kamay kaya tumango si Caela, i think tama yung kutob niya kahit OB GYN siya. "Una na ko, Caela baka may pag uusapan pa kayo ni Ms.? "
Tukoy nito saakin na ikina hiya ko kasi tumingin din sa gawi ko si Caela. Shet, bakit pa ba ko naandito. "A-altamira. "
"Oh yes! I forgot, Atty. Altamira nice seeing you here. How's your father? " dirediretso nitong tanong habang lumapit saakin at hinawakan yung kamay ko.
"He is okay, malapit na yung operation niya. " naka ngiti kong sabi para hindi mag mukhang masungit.
"That's good to hear. "
"I think you two should leave now. " medyo masungit na sabi nito habang busy sa mga papeles nanaman. Tapon ko kayo yung mga papeles na yan.
"Oh yah yah, sige byee. " hinila niya ko papalabas saka tumawa. "Pag pasensiyahan mo na yung kaibigan ko, ang sungit nanaman." natatawa niyang sabi, fyi kaibigan ko din siya at nauna pa ko. Charot.
"Okay lang yun, sanay na rin naman ko. " makahulugan kong sabi dito saka siya napatigil, na awkward tuloy ako dahil sa binibato niyang tingin saakin pero ngumiti naman siya kaagad.
"Are you a virgin? " out of the blue niyang tanong na ikina laki ng mata ko, like what the f**k san nanggaling yung tanong niyang iyon? I know OB GYN siya pero hindi niya ko pasyente. "Sorry for the question but it makes me curious. "
"Ahh h-hinde na. " nahihiya kong sabi saka nag kamot ng pisngi. Look, nakakahiya.
"Woah, who took your virginity? " well, hindi na ko nagulat na diretso siya mag tanong about dun, i guess sobrang normal na lang ito sakaniya since OB GYN siya pero saakin hindi dahil nasa labas lang kami at hindi naman ako nagpapa check up.
"Kailangan ko pa ba sabihin yun? "
"Your choice, sweety. " naka ngiti niyang tanong habang naka crossed arms, ano bang pumasok sa isip ng doctor na to.
"Okay. " turo ko dun sa pinto, which is sa pintong yun nasa loob si Caela. Bigla naman siya napatawa at tumuro din dun sa pinto.
"and I'm her first too. "
"Really, siya talaga? " na eexcite niyang tanong na para bang hindi rin makapaniwala.
And tadaaa, biglang nag bukas yung pinto at sakto namang napa tingin siya dun sa kamay naming naka turo sa pinto na napunta sakanya.
Bwiset, ang galing ng timing ah.
––